~~CHAPTER 4~~

73 3 0
                                    

SXIELA P.O.V

Andito pa rin ako sa ospital kung saan ko dinala si gab, nakaupo ako at tulala sa kawalan, iniisip ko kung ano ang mga pwedeng mangyari

Maya maya lang......

"SXIELA !!" nakarinig ako ng sumisigaw ng pangalan ko paglingon ko sila sir arwin at ang iba pa

Biglang tumulo ang luha ko napatayo agad ako at tumakbo papalapit sa kanila at niyakap si sir hindi ko na kaya lalo na at alam ko na ang mga susunod na mangyayari

" sshhh tahan na andito naman kami eh" pag aalo sa akin ni kristine habang hinimas ang likod ko

Oo nandito kayo sa ngayon .........................pero maya maya lang mawawala na kayo sa tabi ko

Bumalik kami sa pwesto ko kanina sakto naman na lumabas yung doctor
sinabi nito na naubusan daw ng dugo si gab kailangan daw ng may mag do-donate ng dugo kaya ng volunteer ako tutal magkapatid naman kami

Ok naman daw parehas daw kami ng blood type, sa ngayon kinukuhaan na nila ako ng dugo, kahit masakit at nangkakapanghina ng katawan tinitiis ko na lang

Pagtapos nun nagpahinga na ako, maya maya lang dumating sila dad at mom, ng tumingin ako kay mom biglang bumalik ulit yung alaala ko dati na siya yung nag pabangga sa puno para lang hindi ako masaktan, pero ng tumingin ako kay dad halata ang galit sa kaniya napatayo tuloy ako wala dito sila sir arwin may aasikasuhin daw sila

"dad--" magsasalita sana ako kaso

PAKKK

Nakatikim ako ng malutong na sampal kay dad na ikinaluha ng mata ko

Agad humarang si mom sa pagitan namin ni dad

"I'm so disappointed to you sxiela, nagawa mong ilagay sa panganib ang kapatid mo" saad saakin ni dad hindi ko magawang tumingin sa mata niya

" Akala ko sa pagsama mo kila arwin aayos ka, umayos ka nga pero bumalik ka ulit sa dati, pero dahil jan sa paghahanap niyo sa taong yun, ikinapahamak ng kapatid mo," saad ulit ni dad "from now on doon ka muna sa iloilo titira, sa tita mo"

Napapikit ako ng mariin

New it ipapadala niya ulit ako doon at ikukulong para makalayo kila sir

" pero dad---" pinutol niya ang sasabihin ko

"wala ng pero pero" pagtapos niyang sabihin yun pumasok siya kung nasaan si gab

Niyakap ako ni mom

"Huwag kang mag aalala kakausapin ko si ate sa iloilo" sabi ni mom sa akin

Ang lagi kong karamay sa sitwasyon na to ay si mom lang.

....Fast Forward....

Andito ako sa kwarto ko gabi na pero aalis na agad kami papuntang iloilo ni hindi ko pa nga nakakausap sila sir dahil pagtapos ng pangyayari kanina pinauwi niya kami ni mom at pinapaimpake

Paalis na kami kasama ko lang ay si mom at si mang jackson sumakay na ako ng kotse, ilang buwan ba ako ikukulong don ni dad ??

Tahimik lang ako sa loob ng kotse nasa backseat lang ako at nakatanaw sa labas ng bintana

Kailan ko kaya uit makikita sila sir arwin ??

Kahit na malakas at matatag ako may kahinaan pa rin naman ako.

Andito na kami sa tinitirahan ni tita claire hindi pa rin naman nagbabago yung bahay niya

Maya maya lang nakita ko si crystal, pinsan ko

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon