~~CHAPTER 31~~

21 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Nauna si gabriel pumasok, nagpaiwan muna ako dito sa labas. Tatawagan ko si cloud, kailangan ko ng tulong niya.

Kinontact ko agad siya, nakakailang ring pa lang sinagot na niya.

[Hello?]

"Cloud! Pumunta ka ngayon dito sa school bilis!" habang kinakausap ko siya tumatakbo na ako papasok sa school at papunta sa likod ng school.

[Bakit? Hindi ako makakapunta. Nasa bahay pa ako ni kristine, dinadalaw ko siya.]

Napatigil ako bigla sa pagtakbo.

Nasa bahay siya nila kristine? Nakalimutan kong hindi pa pala nagaling yung sugat niya.

Nagpatuloy ulit ako sa pagtakbo habang bitbit kong yung arnis at habang kausap ko sya.

"Pumunta ka na bilisan mo! Sa likod ng school ka dumeretso."

[Hindi nga pwede!]

"Arrghh Fine !" huminto ako sa pagtakbo at hinabol yung hininga ko.

Kahit saglit, hindi pa niya ako pag bigyan. Hay nakuuuu..

Kinontact ko si sian. Inantay ko munang sagutan niya bago ko pinagpatuloy ang pagtakbo ko.

[Hello?]

"Pumunta ka ng school."

[Ha ? Bakit? Pupunta ako ng bahay nila kristine.]

Na naman?!?

Nagulat ako ng may palasong dumaan sa gilid ko kaya napahinto agad ako sa pagtakbo. Tumingin ako sa babaeng naka black na pumana sa akin.

"Shit!" biglang bulalas ko ng magpakawala ulit to ng palaso papunta sa direksyon ko. Agad akong gumilid.

[Minumura mo ba ako?!?]

"Hindi, yung pumapana sa akin yung minumura ko."

Nagtago agad ako sa pader ng magpakalawa ulit siya ng palaso.

[Ha?!? May pumapana sayo?!? Bakit?!? Asa school ka pa ba??]

"Yeah, safe trip sa bahay ni kristine." agad kong pinatay ang tawag at sumilip sa gilid ng pader.

Wala na don yung babaeng naka itimm. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo ko hanggang sa likod ng school. Asan na ba si gabriel??

Nang makarating agad ako doon, inikot ko yung paningin ko para hanapin si khysler. Nagpalamon na ba siya sa lupa ??

"Khysler!!!" sigaw ko para marinig niya.

Nakarinig agad ako ng ungol sa pinakasulok nitong lugar na to. Agad akong nagpunta don. At doon nakita ko si khysler na may sugat sa binti,braso at dibdib. Nakahandusay siya sa sahig kaya napaupo ako agad sa gilid niya.

"Ano bang nangyari sayo??" pagtatanong ko agad. Asan na ba kasi si gabriel?? Iniwan niya ba ako dito??

"M-may n-n-na-k-kalimutan k-ka-s-si a-ko" pagsagot niya.

Halatang malala ang natamo niyang sugat dahil sa pagsasalita niya.

Haysst !! Ako papatay dito sa assasin na to eh kapag hindi pa niya ako tulungan dito!

Agad kong kinontact si gabriel. Ilang ring lang ay sumagot na siya.

"Nasaan ka ba ?!? Ha ?!?" hindi ko alam kung bakit ko siya sinisigawan. Basta alam ko lang naiirita ako sa kaniya

[Tinignan ko yung cctv, pababa na ako. Huwag ka aalis diyan, limang babae ang papunta diyan ngayon.] pagtapos niya sabihin yon pinatay niya agad yung tawag.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon