SXIELA P.O.V
Nang imulat ko ang mata ko nasa kwarto na ako.
Teka?? Diba nasa kotse ako ni gabriel?? Bumangon ako at bumaba. Nakasalubong ko si gabriel, yung kapatid ko.
"Sino nag akyat sakin sa taas?" pagtatanong ko sa kanya. Ngumiti ito saakin na mapangasar.
"Jowa mo te yieeeee."
Jowa ko? Sinasabi ba niyang si gabriel ang nagakyat sakin? Siya lang naman kasi ang tinatawag na jowa ni gab.
"Inakyat niya ako sa taas?" tumango ito sa akin.
Inakyat niya talaga ako? Oh well, siguro hindi niya ako magising kaya binuhat niya na lang ako.
"Jowa mo siya no te?" naka ngiting tanong saakin ni gabriel.
"Hindi no. Tumahimik ka nga."
Umakyat ulit ako sa taas para mag ayos. Naghilamos at nag tooth brush ako. Sinuklayan ko na rin yung buhok ko. Pagtapos ko gawin yon kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si alice.
"Alice" sabi ko agad
[Oh? Bakit? Uuwi ka na ba?]
"No, hindi na ako makakabalik dyan. Paki dala na lang kapag uuwi ka na dito yung gamit ko."
[Ha? Bakit naman? May problema ba?]
"Oo, magpapakasal na si sir arwin."
[HA?!? BAKIT NAMAN?!? AT KANINO?!? IKAKASAL NA AGAD SILA NI REIB?!?]
"Hinaan mo nga yang boses mo! Hindi siya kay reib magpapakasal, sa pinsan ko. At bakit? Bumabagsak na yung company ni sir at ang tanging naisip lang niya ay magpakasal sa pinsan ko."
[Hayss, sayang wala tayo maitutulong kay sir. Pero sxiela, ano na sabi ng mommy mo about doon sa school?]
"Wala pa si mommy dito. I'll call you later."
Shaka ko na binaba yung tawag ko. Kakamustahin ko muna si khysler. Mamaya patay na pala yon, eh.
Dahil maayos naman yung itsura ko, pumunta agad ako doon.
Pagdating ko doon. Nakita ko si gabriel. Hindi yung kapatid ko. Nagtaka ako ng makita ako nito.
"May kailangan ka ba?"pagtatanong nito saakin ng lumapit ako sa kanya.
"Si khysler?"
"Nasa kwarto." tinanguan ko siya at pumunta na sa tinuro niyang kwarto.
Pagpasok ko doon, sumalubong saakin ang nakabusangot na mukha ni khysler. Napalingon siya sa gawi ko ng pumasok ako sa loob.
"Bakit ngayon ka lang?!? Ha?!?" biglang sigaw nito saakin.
Lakas ng loob niya, ah. Kung hindi ako dumating siguradong nasa kabaong na siya.
"At paki mo?!? Hoy pasalamat ka at pinagamot pa kita?!?" sigaw ko rin sa kanya at lumapit sa higaan niya. Nasa gilid na niya ako ngayon.
"Wala namang kwenta yung mga doctor dito?!? Hindi manlang ako nilagyan ng gamot na hindi mo mararamdam yung sakit?!? Dere-deretso lang sila sa pagtahi?!? Aba sinong hin- Arayyy, masakittt, ano ba ?!?" napa aray ito ng idiin ko yung kamay ko sa dibdib niyang may sugat na naka benda.
"Sa ospital na to, hindi uso yang sinasabi mo. Lahat ng gagamutin nila kailangan maranasan yang sakit. And your lucky dahil naranasan mo."
"Aba! Hindi ako isa sa mga ginagamot nila noh! Ibang pasyente ako! Iba!" sigaw nito. Papadyak rin sana siya kaso may benda yung binti niya.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...