~~CHAPTER 6~~

44 4 0
                                    

SXIELA P.O.V

Dinilat ko yung mata ko ng marinig kong tumunog ang alarm clock. Tumambad sa akin ang kisame. Bigla tuloy bumalik yung alaala ko kahapon.

.......FLASHBACK........

"Sawayin niyo yung kaibigan niyo sa susunod"

"Matuto ka rin kontrolin yang init ng ulo" balik kong sagot dun sa lalaki

Biglang nagiba lalo yung expression ng mukha niya

"Sinasabi mo bang ako ang mali?? Kung hindi niyo pinapabayaan yang kaibigan niyo hindi siya makakasakit ng iba"

"Humingi siya ng tawad sayo diba ? sadyang ikaw lang ang may problema. Bakit ganon ba kasakit yung pagtama niya sayo?"

Napatingin ako dun sa kasama niya ng isa isa niya kaming tignan ng kaibigan ko

"Nagkita na ba tayo ? Bat parang pamilyar yung mukha niyo ?" -lalaking masyadong curius

"Wala akong naaalalang pumunta kami ng zoo?? Para makita namin kayo." sagot ko sa tanong ng lalakeng masyadong curious

"Zoo?" tinignan ko yung kanina kong kausap. Nagagalit na ito ng humarap ako sa kaniya.

"Oo, zoo. Mga mukha kasi kayong hayop." sagot ko ulit.

"Aba! Hindi na nga kami pumunta ng pasig river, pero dito sa iloilo may pakalat kalat pa ng mga walang kwenta." sigaw niya saakin.

Aba !! Tadyakan ko kaya to !!!

Napatingin ako bigla sa kanila ng maigi.

Mga mukha silang chonggo.

Biglang hinawakan ni alice yung balikat ko

"Pasensya na sa nangyari ngayon kailangan na namin umalis" tinignan ako ni alice ng makahulugan.

Hindi pa nga ako tapos sa lalakeng to. Aalis na agad kami?? No freaking way.

Aangal pa sana ako ng hilahin na nila ako at si kristine pabalik kay sir arwin at umuwi na.

.........FAST FORWARD........

Pagdating namin sa bahay nagsalita agad si alice

"Wooh, muntik na ako dun ah" - alice, tinaasan lang namin siya ng kilay

"Yung lalaking natamaan ni kristine, kaklase namin siya, siya rin yung katabin ko sa upuan" -alice. "Muntik na niya kaya ako makilala"

Katabi niya lang sa upuan?? Hmnn. Pwede na siguro ako makabawi??

"Kung ganun" napatingin kami bigla kay sir arwin ng magsalita siya "Kailan dagdagan ang dekorasyon niyo bukod sa salamin diba ??" nakangising sabi niya, sabay sabay nanlaki yung mata namin

Ano na naman balak nitong damuho na to?? Dekorasyon ulit ?? Hirap na nga ako sa salamin, dadagdagan niya pa??
.........END OF FLASHBAK........

Nainis ako bigla ng maalala ko yung sinabi ni sir arwin

*Tok**tok**tok*

"HOY !! SXIELA, BILISAN MO NA MAGBIHIS!!" sigaw ni sir arwin sa pinto

Kaya tumayo na ako at naligo pagtapos ko maligo nagbihis na lang ako ng maayos na T-shirt at pantalon at lumabas na

Muntik ko ng makalimutan na ngayon na yung alis namin. Pagbaba ko nakita ko na kumakain na sila ng almusal kaya nakikain na din ako pagtapos namin kumain nagpahinga kami ng saglit shaka sumakay na kaming lima sa van ni sir arwin sa kotse niya na lang daw siya

..........FAST FORWARD.........

Nakabalik na kami sa maynila hinatid na kami sa kanya kanya naming bahay.

Pagpasok ko nakita ko si gab na nakangiting nakatapat sa cellphone niya kaya pumunta ako sa likod niya, hindi naman niya napapansin, nakita ko dun sa cp niya may kasing edad niyang babae at nakaakbay siya. Kaya nilipat ko mukha ko sa tenga niya

"Sino yan ??" bigla siyang nagulat ng magsalita ako nanlalalaki pa yung mata niya ng tumingin siya sakin

"Ate ?! Ate ?! Ikaw ba yan ?" nanlalaki matang tanong niya

"Sino ba ako sa palagay mo ?" bigla siyang ngumiti ng malaki

"Ikaw yung ate kong parang araw araw may dalaw" yumakap pa siya sakin

"Teka nga" tinanggal ko yung braso niyang nakapulupot sa leeg " Sino yung babaeng yun?" nginuso ko pa yung cp niya. Nanlaki naman ulit yung mata niya "Girlfriend mo ba siya ?"

"Hindi ah" mabilisang sagot niya kaya piningot ko siya

"Ikaw nawala lang ako ng ilang araw may gf ka na agad"

"A-aray aray ate !! Masakit !!, hindi ko siya gf dare lang sakin na magpapicture ako sakanya aray !!"

"Eh bat ka nakangiti ?"

"Pag ba nagpapicture ka hindi ka ngingiti!! Aray masakit !!" piningot ko siya lalo dahil sa kapilosohan niya

"NA.PA.KA.PI.LO.SO.PO.MO" binitawan ko bigla yung tenga dahil tumatawag si sir arwin

Sinagot ko yung tawag ni sir arwin

"Hello"

[Sxiela pumunta ka ngayon dito sa bahay]

"Kakauwi ko lang gusto mo pumunta ako agad jan !"

[Haysss, kailangan mong pumunta]

"hindi valid yung reason mo"

[Ayss pupuntahan ka na lang namin jan]

*Toot**toot**toot*

Binabaan niya ako agad ng tawag. Umakyat ako sa kwarto ko at natulog








Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko minulat ko yung mata ko at nakita ko ang mga pagmumukha nila sir sa kwarto ko.

"Tara na alis na tayo"- sir arwin at hinila nila ako palabas

"Teka, maghihilamos muna ako" parang wala silang narinig at kinaladkad ako palabas ng kwarto ko . Pilit kong hinihila yung kamay ko kila precious kaso hindi ko kaya 5 sila isa lang ako. Nasalubong namin si gabriel ng palabas na kami ng bahay hihingi sana ako ng tulong sa kanya kaso kinawayan niya pa ako

Nakarating na kami sa bahay ni sir arwin. "Ano na naman gagawin natin dito ? At kailangang pwersahin akong pumunta dito "

"Pupunta kasi dito yung kuya ni precious sa kanya niya muna kayo magpaturo ng kung anu-ano" -sir arwin

"Bakit ? Ano naman gagawin mo ?" - alice

"Kailangan ako sa opisina" tumango na lang kami kahit wala kaming maintindihan sa sinasabi ni sir arwin

Maya maya lang may narinig kaming doorbell kaya tumayo si sir arwin at binuksan yung pinto pumasok namin yung 6 na lalaki. Nanlaki mata namin nila kristine ng makita namin yung mga pumasok sa loob.

Don't tell me na sila yon ??

"Nagkita tayo ulit" naka ngiting saad nung lalaking curius

So silang nga yon !!!!!!!!!!

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon