SXIELA P.O.V
Tinext ako ni mommy na dito daw muna kami ni gab sa bahay ni sir arwin. I don't know why, kung bakit kailangan dito muna kami eh sanay naman kami sa bahay na kaming dalawa lang.
Sa kwarto ni sir arwin lahat ng lalaki natulog. Yap hindi umuwi yung limang ugok, ayaw pa raw nila umuwi agad-agad. Tsk as far as I know, hindi na kami nag eensayo o nag papractice man lang.
Humiga na ako sa kama at pinikit na ang aking mata.
~~KINABUKASAN~~
"Sshh huwag nga kayong maingay tulog siya oh!"
"Ano ba ginagawa natin dito?"
"Oo nga? Eh diba gigisingin lang siya? Hindi naman siguro yan mangangain ?"
"Bakit kasi tayo pa yung pinapagising eh."
"Aisst ano ba yan!! Wala bang alarm yang babaeng yan!?!"
Nakarinig ako ng mahihina at galit na bulong sa paligid. Nubang problema nila??
"Tagal niyo naman gisingin si ate.. Gutom na ako."narinig ko yung boses ni gab pero hindi pa ako dumidilat. Gusto ko pa matulog.
"Edi ikaw manggising." narinig ko naman boses ni ethan.
Nakarinig ako ng yapak na papalapit sakin. Nakaramdam din ako na may nang aalog sa balikat.
"Te gising na te" narinig ko ulit boses ni gab. Doon na ako dumilat. Bumungad sakin yung naka ngusong mukha ni gab at yung mukha ng limang asungot.
"Tagal mo talaga gumisingin, gutom na ako eh." reklamo ni gab.
Bumangon na ako.
"Mauna na kayong lahat sa baba." sumunod naman silang lahat sa sinabi ko at bumaba na sila.
Naghilamos muna ako bago bumaba. Pag baba ko naamoy ko na agad yung amoy ng adobo. Mukhang masarap ngayon yung ulam ah. Umupo na ako sa upuan. Lumabas sila sir arwin sa kusina na dala yung ulam at kanin, nilapag nila yun sa lamesa namin.
"Sorry guys mauna na kayong kumain, sa office na lang ako kakain." agad tinanggal ni sir arwin yung apron na suot nito shaka kinuha yung gamit niya sa office.
"Alis na ako." saad nito bago lumabas.
"Ingat." yun lamang yung nasabi ko at nung iba.
Kumain na lang kaming lahat ng tahimik.
"Anong oras niyo balak umuwi?" tanong ni alice sa limang ugok.
"Shaka na kami uuwi. Hmnn siguro bukas." sagot naman ni ethan.
"Kala ko ba Sian sinusundo ka kasi uniko iho ka?"pagtatanong ko kay Sian.
"Yah, sinusundo ako pero tumawag na ako sa bahay na bukas na lang ako uuwi." saad nito shaka pinagpatuloy yung pagkain niya.
"May balak ba kayong tumira dito?" pagtatanong naman ni reib.
"Eh bakit kayo? Bakit kayo dito natutulog at parang tumitira na rin??" balik na tanong ni clark.
"So ?? Pake niyo." sagot naman ni reib.
"Eh pake niyo rin. Gusto namin dito eh." sagot naman ni clark.
"Aba eh parang doon lang din kayo tumitira sa bahay ng kuya ni precious ah." saad ni reib.
"Eh ano naman ngayon sa'yo? Ha? Inggit ka?"
"THE HECK JUST EAT/ JUST EAT CAN YOU?!?!"sabay na sigaw namin ni sian nagkatinginan tuloy kami na may halong pagtataka.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...