SXIELA P.O.V
Dinilat ko yung mata ko at bumungad saakin yung kisame ng kwarto. Teka, diba sa duyan ako natulog ?? Bakit nandito na ako sa kwarto ?? Bumangon ako sa higaan. Biglang tumunog yung cellphone ko. Pagtingin ko natawag si ate crystal.
"May problema ka?"
[Umuwi ka na agad bilissss]
"Bakit naman?"
[Kasi napaaga yung pagkikita naming dalawa. At kailangan na kailangan kita.]
"Bakit ba kasi kailangan akong pumunta ?!? Ha?!?"
[Hay naku pasalamat ka at ipapaalam ko to sayo no. Kaya umuwi ka na agad bilisssss]
"Tsk. Make sure na kailangan na kailangan talaga ako jan. Kapag hindi babaliin ko buto mo."
[Umuwi ka na, ha. Bye. Ayt oo nga pala. Bukas yun ng umaga susunduin kita sa bahay niyo.]
At binaba niya na yung tawag
Napa buntong hininga na lang ako. Tinignan ko kung anong oras na.
6:28 pm
Arrghhh.
Inumpisahan ko ng mag impake at naligo ako ng mabilisan.
Teka bakit pala ako nag iimpake saglit lang naman ako doon.
Binalik ko yung iba. Isang bag lang ang dinala ko.
Bumaba ako at nakita ko agad si alice.
"Alice." tawag ko sa kaniya. Nakaupo lang kasi siya sa sofa at naka tutok sa tv.
Napalingon naman siya saakin.
"May pupuntahan ka??"
"Hihiramin ko lang yung van. May kailangan kasi akong puntahan bukas."
"Importante ba yan? At kailangan mong umalis agad."
Tinanguan ko siya.
"Babalik agad ako." pagtapos ko sabihin yun lumabas na ako sa bahay niya at dumeretso sa van.
Pinatawag naman niya agad yung driver ng van.
Habang nasa biyahe kami natulog lang ako.
......KINABUKASAN......
Nakabihis na ako. Simpleng red dress lang ang sinuot ko. Kailangan daw kasi maging pormal sabi ni mommy.
"Ate." tawag saakin ni gab.
"Bakit?"
"Isama mo na kasi ako ate"
"Bawal."
"Ate naman eh."
Nilabas ko yung maliit na kutsilyo sa gilid ng inuupuan ko. Hinawakan ko yung patalim non na para bang tinatakot siya.
"Tatahimik ka o ibabaon ko to sa binti mo?" malamig na saad ko sa kanya.
"Hehe. Ikaw naman ate hindi mabiro. Dito nga lang ako sa bahay, eh." pabirong sabi niya.
Tsk.
Nilabas ko yung inukit kong kwintas para sa kanya. Dalawa kasi ginawa ko. Isa sa kanya at isa sa akin.
"Oh." inabot ko sa kanya yung kwintas.
"Woohh. Eto ba yung pinunta mo te doon sa province ni ate alice? Woohh ikaw gumawa?" tinanguan ko naman siya. "Buti hindi nasira." agad ko siyang binatukan.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...