~~CHAPTER 22~~

16 2 0
                                    

ALICE P.O.V

Nasa bahay ako, sa pangasinan. May malawak kaming taniman ng mais. May trabador kami sa taniman namin.

Nakahilata lang ako sa higaan ko. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh. Pumayag lang ako dahil mukhang lalapain ako ni Sxiela kapag hindi ako pumayag.

Shaka kasalan ko rin naman. Bakit kasi ako umiyak ?!? Bakit pa kasi ako nasaktan nung nakita ko siya ?!? Lumapit na nga ako ng school that time pero mukhang lumipat din sila.

Hayss

Maga pa rin yung mata ko kakaiyak. Hanggang dito nga umiiyak ako eh. Tuwing naalala ko kung paano niya pinagtanggol si Eunice.

Pero sa totoo lang hindi ako naniwala na nakipag- dare siya. Tinanong ko yung mga kaibigan niya. Nag pupustahan sila pero ang pusta nila PERA, naglalaro lang daw sila ng uno, ang mananalo kanya ang pera. Tsk. Ano kaya ang dahilan kung bakit niya ako ji-nowa.

*Tok*tok*tok*

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Lumitaw yung ulo ni manang.

"Iha, mag pahangin ka naman sa labas. Sariwa ang hangin sa labas, nakakagaan ng loob."

"Sige po."

Bumango ako sa higaan ko shaka siya sinundan sa labas.

"Jeremiah !!"sigaw ni manang nang makababa kami.

May biglang pumasok na lalaki.

"Bakit po??"

"Ipasyal mo muna si Ma'am alice mo para makasinghap naman siya ng hangin sa labas. "

Napatingin sakin yung lalaki at parang natigilan siya ng makita ako.

"S-sige po"

Lumabas siya kaya sumunod ako sa kanya. Naglalakad lakad lang kami dito sa palayan.

"Gusto niyo po ba ng mais?" pagtatanong niya sakin. Umiling lang ako. Wala ako sa mood kumain.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Inikot lang namin yung palayan. Sa totoo lang ang awkward kasi walang nagsasalita saming dalawa.

"Anong pangalan mo?" pagtatanong ko sa kanya.

"Jeremiah po. Tawagin niyo na lang po ako ng Je. Yun po kasi tawag ng kaibigan ko sakin."- Jeremiah

"Ahhh." parang ewan na sagot ko sa kanya.

"So lahat ba ng pamilya mo nagsasaka dito?" iniba ko na lang yung pinag-uusapan namin.

Umiling naman siya at hindi nagsalita.

"Ano trabaho ng iba ?"

"Wala na si Nanay matagal na siya namatay. Si Tatay naman nagloko nung nakaraang taon. Ako ang panganay. Huminto ako sa pagaaral ko ng high school at nagtrabaho na lang ako para may pangkain sa lima kong nakababatang kapatid. " biglang lumungkot yung mukha niya.

Naglakad kami papalayo sa Bahay at Palayan namin.

"Nagloko papa mo?" pagtatanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya.

"Simula nang mamatay si Nanay 3 taong nakalilipas masyadong nalungkot si tatay. Nagkaroon ng iba't ibang babae si tatay sa tatlong taon na yun. Tinutugunan pa rin naman niya ang pangangailangan namin noon. Huminto lang iyon ng nakaraang taon dahil. Iniwan niya kami at sumama sa babae niya. Sinisisi niya rin ang bunso kong kapatid dahil sa pagkamatay ni Nanay." kwento niya sakin.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon