~~CHAPTER 35~~

14 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Andito na ako sa store na pinagta-trabahuhan ni Jamiah. Day-off niya daw ngayon.

Nakain lang ako habang inaantay siya. Nilibre ko na rin yung driver ko ng pagkain.

Maya maya lang din ay dumating na siya. Nag palinga linga pa siya para hanapin ako. Nang dumako ang tingin niya sakin kinawayan ko lang siya. Lumapit siya sa pwesto ko.

"Kanina ka pa?"

"Hindi naman ganon katagal."

"Ano bang gusto mong pagusapan natin?"

"Sa ibang lugar tayo magusap." naglakad na kami palabas, papunta sa  kotse.

Pinaandar na ng driver ko yung kotse.

"Ano bang problema?" tanong ni jamiah. Nilingon ko siya shaka nginitian.

Marami, sobrang dami. Hindi ko na alam kung saan ko uumpisahan.

Huminto kami sa park na pinuntahan namin dati nila xantal noong birthday ko. Umupo ako doon sa gilid kung saan naka pwesto yung upuan.

"Ano na?" tanong niya ulit.

"Magpapakasal na yung kaibigan ko." saad ko sa kanya. Kumunot naman yung noo niya, kaya natawa ako.

"Paano naging problema yon? Diba dapat matuwa pa ka kasi magpapakasal siya?"

"Kapag magpapakasal ka, dapat mahal mo niyo ang isa't isa. Pero sa kaso niya, hindi nila mahal ang isa't isa. Magpapakasal yung kaibigan ko dahil nalugi na yung kompanya niya, at ang satingin lang niya ang paraan ay magpapakasal siya, sa pinsan ko pa siya magpapakasal. Hindi ko matanggap yon, kasi yung kaibigan kong magpapakasal, mahal niya yung kaibigan ko pang isa. At yung gusto niyang kaibigan ko may bf na, isa rin yon sa dahilan kung bakit siya magpapakasal, para maka move on na sa kaibigan ko." pagkwe kwento ko.

"Pero yung kaibigan mong mag bf na, alam ba niyang mahal siya ng kaibigan mo?" umiling ako sa tanong niya.

"Ahh, but still, hindi ko talaga alam kung bakit naging problema yon." saad niya. Kaya tumingin ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Kasi dapat suportahan niyo siya, broken hearted na nga, ginawa niyo pang problema yung pagpapakasal niya. Shaka diba ginawa niya yon dahil nalulugi na yung kompanya niya? Kaya siya ang may problema sa inyong dalawa. Buti nga sinolusyunan na niya, kaso magpapakasal naman siya. Dapat matuwa kayo, pabayaan mo siyang mag move on, malay mo yung pinsan mo pa ang tumulong sa kanya diba." saad nito sakin.

Bakit ko nga ba pinoproblema yon? Tama siya, dapat nga tulungan pa namin si sir arwin maka move on kay reib.

"Eh, ikaw? Kamusta na yung sinasabi mong lalaking nasa panaginip mo na nakilala mo sa personal?" tanong ko sa kanya.

"Ahh, yon. Pilit ko siyang pinagtutulakan palayo, pero hindi siya natitinag, lagi siyang nasa tabi ko kahit anong mangyari."

"Bakit mo naman siya pinagtutulakan palayo?"

Mapait siyang ngumiti sakin shaka tumingala.

"Kasi ayaw kong husgahan siya ng ibang tao dahil lang gusto niya ako. Mahirap talaga maging mayaman, no? Lalo na kapag kilala ang pamilya mo. Hindi mo magagawa ang gusto mo dahil huhusgahan ka, hindi ka pwede mag mahal ng dukha dahil huhusgahan ka. Kailangan mong maging perpekto para sa pamilya mo." saad niya habang naka tingala.

"Buti na lang hindi ka ganon, no. Siya kasi gusto na siya ipakasal sa iba." tinitignan ko lang siya.  "Pero sinusuway niya magulang niya para sakin, itinaboy niya lahat na meron siya para sakin." dagdag niya pa.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon