~~CHAPTER 29~~

17 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Nang magising ako ng mga bandang 10 am. Bumaba ako para kumain ng umagahan. Saktong nakain si alice kaya sumabay na ako.

"Yung mga gagamitin niyo pala nakahanda na." saad niya habang nakain kami. Tinanguan ko naman siya.

"Don't talk if your mouth is full." pangaral ko sa kaniya.

"Tsk. Sir arwin ikaw ba yan?" insert sarcastic tone.

Sinamaan ko siya ng tingin tinuon niga agad yung tingin niya sa pagkain na kinakain niya.

Nang matapos kami kumain nag pahinga ako saglit. Tinawag naman ni alice yung lalakeng magtuturo sakin.

Hmnnn ano kayang magandang gawin sa crafting. Gusto ko yung katulad ng kwintas ni alice.

Bumalik si alice na may kalong kalong na bata.

"Mabigat si jubelle alice ako na magbibitbit sa kaniya."

"Eh. Kalong kalong ko na siya."

Yan agad ang bumungad sakin pagpasok nila.

"Umpisahan niyo na gumawa guys dyaan sa lamesa na lang kayo gumawa dahil nandyan na yung gamit." saad ni alice at umakyat na siya sa taas at pumasok sa kwarto ko.

Wait ?? Sa kwarto ko ?!? Aba't talaga naman !!

Bigla lumabas si alice sa kwarto ko na karga pa rin ang bata. At may hawak silang...... Teka loptop ko yung hawak niya !!

"What the heck !!" bulong ko sa sarili ko. " ALICE !!" sigaw ko sa pangalan niya. "Anong gagawin mo sa loptop ko ??" tanong ko agad ng lingonin niya ako.

"Hehe. Naiwan ko sa bahay namin yung loptop ko kaya iyo muna gagamitin namin." naka peace sign niyang sabi.

Binaba niya yung bata sa sofa at tumabi siya doon. At nanood sila ng babytv -_-

"Umpisahan na natin." napalingon ako sa lalaki. Umupo siya sa tapat ng lamesa kung saan nakalagay yung mga gamit na gagamitin.

Umupo na rin ako sa tapat niya. Tinignan ko isa isa yung mga gamit na nasa mesa.

May maliit na square na kahoy sa tingin ko bente yung nandoon sa mesa na ganon. Tapos may tali rin siya. Eto ata yung tinatali sa leeg mo. May sand paper rin at basahan. May lapis at ruler din na nakalagay sa mesa.

"Una pumili ka muna ng gusto mo iguhit dito sa kahoy." inabutan niya ako ng kahoy.

Hmnn ano ba maganda...

Ah, pangalan ko na lang at pangalan ni gabriel ang ipapalagay ko.

"Pangalan ko at pangalan ng kaptid ko ang gusto ko ilagay." saad ko sa kanya.

"Sulat mo rito ako na gagawa ng disenyo." inabutan na naman niya ako ng papel at lapis at kinuha saakin yung kahoy. Lumipat rin siya dito sa tabi ko.

Sinulat ko yung pangalan ko at pangalan ni gabriel. Inabot ko yung papel na pinagsulatan ko.

"Hindi kakasya to dito sa kahoy. Pagpapatong patungin na lang natin yung letra." saad niya. At nag sketch siya doon sa papel na pinagsulatan ko.

Big letters lahat at pinagpatong patong na niya yung letra ng pangalan namin ni gabriel pero may nilagay siyang rose at ginawa niyang parang dahon ng rose ang pangalan namin ni gabriel. Parang pamilyar saakin tong ginagawa niya. Inukit niya rin yon sa kahoy ng matapos na inabot niya saakin yung kahoy.

"Ipagpatuloy mo yung pag uukit sundan mo lang yung ginawa ko." saad niya. Kaya sinunod ko siya. Nang matapos ko iyon.

Wooh. Mas lalong naging pamilyar saakin yung inukit niya.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon