~~CHAPTER 26~~

17 3 0
                                    

SXIELA P.O.V

Shit.shit.shit paano na to ?? Papunta rito sila sian tapos sila ethan nasa loob kung nasaan nag me-meeting ang mga tao doon. Tinignan ko yung lalakeng naka lab coat wala na siyang salamin dahil nasira na yon. Nakatingin lang sakin na walang ekspresyon ang mukha. Teka sabi niya pwede niya kami tulungan diba ??

"Anong oras matatapos yung meeting na sinasbi mo?" pagtatanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa relong nasa wrist niya.

"Mga 4:30" maikling saad niya.

"Sxiela sila sian, baka nandito na sila." bigla akong binalingan ni cloud.

Tumingin ako sa wristwatch ko. 3:48 pm na. Dahil baka mamaya ba daw matatapos yong meeting na sinasabi niya. Pupuntahan muna namin sila Sian.

"Puntahan muna natin sila sian." saad ko kila precious at cloud.

"Paano kung mahuli bigla sila reib sa taas?" pagtatanong ni precious.

Paano nga ba kapag nahuli sila?

"kung ganon maiiwan kayo ni cloud dito isasama ko na lang siya" tinuro ko yung lalakeng naka lab coat.

"No, sasama ako." matigas na saad ni cloud at akmang lalabas na nang hilahin ko siya pablaik.

"Hindi pwede, kayong dalawa ni precious ang maiiwan dito. Mas madali kapag siya ang kasama ko. Alam niya ang daan palabas. Kailangan may maiiwan dito kapag nagkagulo na at kayong dalawa ang dapat maiiwan." mahabang paliwanag ko.

"Bakit kailangan kaming dalawa pa ang maiwan dito? Pwede naman si precious ang sumama sa kaniya o ako. Bakit gusto mo ikaw ang pumunta." tanong ni cloud.

"Kapag si precious ang sumama sa kaniya baka lalo pang magkagulo at baka hindi sila magkasundo sa daan at kung ikaw ang sasama mas malala ang mangyayari, so, mas maganda kung ako ang ssama sa kaniya."

Tumingin si cloud sa lalake shaka sakin at unti unting tumango.

"Fine." pag sangayon ni cloud.

Sinenyasan ko yung lalake na mauna na lumabas pero bago siya lumabas sinamaan pa siya ng tingin ni cloud at shaka na ako lumabas.

Walang tao ng makalabas kami.

"Wala pa masyadong tao ngayon dito. Karamihan kasi na nagtatrabaho dito mataas na posisyon iilan lang kaming hindi mataas ang posisyon at tinutulungan lang namin ang mga mas mataas samin." napa tango tango naman ako.

"Sino yung may ari nitong building?" pagtatanong ko sa kaniya.

Malay niyo sabihin niya, diba.

"Hindi namin pwede sabihin." napa irap ako ng iyon yung isagot niya

Teka diba malabo yung mata niya? Bakit parang kung maglakad siya dere-deretso lang at hindi niya pinapa singkit yung mata niya para makakita. Diba yun yung ginagawa ng mga malalabo ang mata?

Itatanong ko sana yun ng huminto ang paningin ko sa isang weird na symbolo na katulad sa kwintas ni princess.

"Teka...." hinawakan ko yung braso para huminto siya.

"Bakit ?"

"Ano ibig sabihin nun ?" tinuro ko yung simbolo.

"Ahh yan, yaan ang simbolo nitong building. Ginawa ng may ari nito. May dalawa siyang anak. Pero magkaiba ang ina. Isang babae at isang lalaki.Yung babae nasa nanay niya." bigla siyang tumingin sakin ng makahulugan. "at yung lalaki ay naging assasin."

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon