SXIELA P.O.V
Naghahanda na ako pumasok. About dun sa impormasyon na gusto namin malaman, hindi na lang namin itutulog yon, iniba na lang namin yung plano namin. Tapos na ako maghanda at paalis na papuntang school.
Pagpunta ko don may mga police at ambulansyang nakakalat sa paligid. Anong meron ??
Maya maya lang lumabas ang mga police na may bitbit na......... Bangkay ??
Lalapit sana ako kaso hindi pwede lumapit, kaya sumilip na lang at nakita ko yung babae na may hiwa sa leeg niya tinignan ko yung braso niya. So tama kami, may nakaukit na rosas sa braso niya palatandaan na ang deadly rose ang may gawa nito.
Hindi ko na gusto makita yung sitwasyon na yun kaya aalis na sana ako kaso, biglang may dumating na hindi masyadong matandang babae na sinisigaw ata yung pangalan ng bangkay, umiiyak siya at nakaluhod na sa sahig inaalalayan lang siya ng mga police.
Hindi ko alam pero kusang lumapit yung paa ko sa kanya, nang nakalapit ako hinawakan ko yung braso niya na ikinalingon niya.
Hindi ko mabuka yung bibig ko para magsalita. Hindi ko masabi na magiging maayos lang ang lahat. Aalis na sana ako dahil wala akong magawa.
"Binalaan ko siya na huwag siyang mangaapi dahil yun na yung katapusan ng buhay niya" nagulat ako ng magsalita siya.
"Ano po yung ibig niyong sabihin ?" pagtatanong ko sa kanya.
"Hindi niyo kakayanin na magtago dahil nahanap na nila kayo kaya sa tingin ko hindi niyo na kailangan magtago kung natagpuan na nila kayo" mas lalo akong nagulat ng sabihin niya yun.
"Sxiela !!" narinig kong may tumawag ng pangalan ko, naramdaman ko na nasa tabi ko na sila Alice kaya hindi na ako nagabalang tumingin sa kanila, tulala lang akong nakatingin sa matandang nasa harapan ko. Magsasalita sana si precious pero nauna akong magsalita
"Paano niyo po nalaman yun ?" pagtatanong ko sa matandang nasa harapan ko, alam kong nagtataka ngayon sila alice.
"Nagsisimula na sila ng nahulog kayo sa patibong nila, 2 ang namamahala sa kanila ngunit ang isa hindi niya alam ang ginagawa ng kasama niya, isang mabait at isang masama, mag ingat kayo sa kuriusidad niyo, huwag kayong magpadalosdalos" naramdaman kong nagtataka na sila alice. "Kakailangan niyo yung tulong ng mga lalaking kasama niyo" pagtapos niya sabihin yun, nagulat kami ng may pumutok na bala at tumama sa matandang babaeng nasa harapan namin naikinamatay nito, may pumutok ulit malapit sakin buti na lang umalis agad sila alice nagtago kami sa kotse ng mga police. Hinubad ko yung uniporme at palda ko kaya naka sando at short na lang ako hinubad ko rin yung salamin ko.
"Shit sxiela anong ginagawa mo" pagtatanong ni alice, nakarinig kami ulit ng putok ng baril nagpapanic na lahat ng estudyante rito kinuha ko yung t shirt ko sa bag at sinuot.
"Magpalit na kayo bilisan niyo" nagsikilos sila ng sabihin ko yun.
"Maghiwahiwalay tayo, Alice at precious kayo magkasama, Reib at kristine kayo magsama magisa ako maghahanap" nakarinig kami ulit ng putok ng baril malapit samin.
"Pero.." pinutol ko agad yung sasabihin ni reib. "Kailangan natin mahanap yung bumabaril" pagkasabi ko nun tumakbo ako na bitbit yung bag ko sa kabilang kotse. Pinaputukan nila ako pero salamat sa diyos at hindi ako natamaan. Buti na lang talaga dahil hindi nagche check ng bag yung nga guard. Nagpapaputok rin yung mga police
"SXIELA !!" nagulat ako ng may sumigaw ng pangalan ko ng tumayo ako, paglingon ko si cloud na tumatakbo sa pwesto ko at niyakap ako pagdapa namin.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
JugendliteraturMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...