~~CHAPTER 14~~

25 2 0
                                    


Ahh yung tungkol sa picture yung kailangan kong itanong. Pero saan ko uumpisahan ?? Dpat ko ba talaga itanong ?

Walang nagsasalita migkisa saming dalawa. Tahimik lang kami na nakatingin sa isat isa na para bang sinusuri namin yung isat isa.

"SXIELA !!" muntik na ako mapatalon ng sumigaw sila sir arwin.

Teka ?!?! SILA SIR ARWIN NANDITO !!

"Asan ba si sxi-" napatigil si reib ng magkasalubong yung tingin namin.

"Oh ayon pala siya eh." -reib

Hindi nila napapansin si Gabriel, Gabriel na lang itatawag ko baka malito na ako.

"Si kristine?" -sir arwin.

"SIR ARWIN !!!!" napatakip ako sa tenga ng sumigaw si kristine sa taas at nagtatakbo pababa.

Pagkababa niya sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang umapekto naman. Lumapit agad siya kila sir arwin.

"Oh, kristine bakit ka sumisigaw ? Nasa likod lang ako ng bahay rinig na rinig kita. " bigla naman sumulpot si mommy.

"A e sorry tita." -kristine.

"Oh andito ka pala? Tinawagan ka ba ni gab?" pagtatanong ni mommy kay gabriel tumango lang naman si gabriel.

Tumingin ako kila sir arwin, nahuli ko si precious na nakatingin kay gabriel na para bang namumukhaan niya.

"Aalis na po ako." pagpapaalam ni gabriel kay mommy.

Bakit ang galing umarte ni mommy ?

May kasunduan kasi kaming ginawa ni gabriel. Unang kasunduan wala dapat nakakaalam na pumupunta siya sa bahay namin. Ok lang daw kung sila kristine. Pero hindi nila mamukhaan si assasin na naka mask. Pangalawa, hindi dapat malaman ng iba na assasin siya yun lang.

Kaya umaarte si mommy na mabait sa lalaking to. Parang gusto na nga ni mommy tadyakan, eh.

"Sige mag ingat ka" hindi nakatingin na saad ni mommy kay gabriel.

Umalis na agad si gabriel.

"ATE REIB !!!" napatakip ulit ako ng tenga ng marinig ko si gab.

Pinapakulo ba nila dugo ko ? Naiinis na ako ah.

Pagkababa ni gab dumeretso siya kay reib at yumakap doon.

Kutusan ko kaya si gab shaka si kristine ?

"Ilang beses ko sasabihin na hindi niyo kailangan sumigaw." madiin na sabi ko kay gab. Nag peace sign siya ulit.

"Tsk." aakyat na sana ako kaso bigla naman bumaba si cloud. Inantay ko muna siya makababa bago ako umakyat.

Gagawin ko muna yung sinabi ni mommy, magpapahinga muna ako. Pinikit ko na yung mata ko at natulog

AUTHOR P.O.V

"Anong problema ni sxiela ?" pagtatanong ni cloud kila sir arwin.

Pero nagkibit balikat na lang sila sir arwin.

"Gusto niyo bang kumain ?" pagaalok ng mommy ni sxiela kila sir arwin. Pero umiling si sir arwin.

"Tinignan lang namin yung lagay ni sxiela. Mukhang hindi muna siya makakapag practice ngayon." saad ni sir arwin.

"Mauna na po kami." saad ni precious.

"Sige mag iingat kayo." -mommy ni sxiela.

"Ba bye ate reib" pagpapaalam ni gab kay reib tumango naman si reib. Samantalang si sir arwin sinamaan niya nag tingin si gab.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon