~~CHAPTER 36~~

22 2 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V

Sa loob ng isang lumang opisina, andoon si Orlando na pumiprima ng mga papeles niya.

Biglang bumukas ng marahas ang pinto ng opisina niya, at doon pumasok si Taliet na may galit na expression at may hawak na papel. Lumapit siya sa lamesa ni Orlando at marahas na inilipag ang papel na hawak niya. Tumingin siya sa mata ni orlando.

"Ano ibig sabihin nito!? Bakit sa kanila mo ipapasa ang lahat?! Nakakalimutan mo atang ako ang nagpalago ng kompanya mo!" nangagalaiting saad nito kay orlando. Malamig lang siya tinignan ni Orlando.

"Hindi mo na mababago pa ang desisyon ko. Oo, ikaw nga ang nagpalago pero ako ang nag ma-may ari non, kaya ako ang may karapatan kung kanino ko ipapamana yon." malamig na saad nito kay Taliet.

Nginisian siya ni Taliet.

"Satingin mo ba, hahayaan ni Ara na ipamana mo sa kanya yon?" nang-aasar na saas ni Taliet.

Dahil sa sinabi ni Taliet biglang nagalit si Orlando. Tumayo ito at kinwelyuhan si Taliet. Hindi niya iniintindi na babae ang kaharap niya, once na nagalit siya, wala siyang pinipiling kalaban.

"Sinabi ko na sayong huwag na huwag mong papakelaman ang gagawin ko." madiin na saad ni Orlando kay Taliet. Nginisian lang siya ng babae na lalong ikinainis niya.

Bumukas ulit ang pinto at doon pumasok si Aries. Nang makita niya ang nangyayari sa loob ng opisina dali dali niyang nilayo si Orlando kay Taliet.

"Ano na naman bang nangyayari dito?" tanong ni Aries sa dalawa. Hindi umimik ang dalawa at patuloy na nag bibigayan ng matalim na titig.

"Huwag mong subukin na pakelaman ang dalawa taliet, makikita mo na lang bigla si santanas." madiin na saad ni Orlando.

Napangisi si Taliet dahil sa sinabi ni Orlando

"Sino kaya ang uunahin ko sa dalawa mong anak, si Gabriel ba o si S-"

"SINABI KONG HUWAG MONG PAPAKELAMAN ANG DALAWA!" galit na sigaw ni Orlando kaya napatalon si Aries, pero hindi kumibo si Taliet at sinamaan ng titig si Orlando.

"Kung ganon, pag-isipan mo ng mabuti lahat ng gagawin mo kung ayaw mong madamay ang dalawa mong anak." pagkasabi ni Taliet non lumabas na agad siya ng opisina.

Napatingin agad si Aries kay Orlando.

"A-ano bang nangyari?" tanong ni Aries kay Orlando.

"Aries, huwag na huwag mong pababayaan ang dalawa. Sabihin mo kay gabriel na bantayan niya ng maigi ang kapatid niya." saad ni Orlando kay Aries. Kahit walang maintindihan si Aries tumango na lang siya at tinawagan si Gabriel at sinabi niya ang pinapasabi ni Orlando.

SXIELA P.O.V

Halos 2 oras ko na nilalaro ang buhok ni khysler. Kailangan ko ng umalis, sumabay pa kasi tong ulap na to, eh. Ginawa ba namang unan yung paa ko, hindi tuloy ako makaalis.

Napabuga na lang ako ng hangin ng mag text ulit si kristine sakin.

09*******

'Hindi ka pa ba pupunta ngayon sa bahay ni sir arwin? Hindi ba kayo mag pa-ractice ni cloud?'

Pagkabasa ko ng text niya tinago ko na lang yung cellphone ko at nilaro ulit buhok ni khysler. Himbing na ng tulog niya. Kaya hindi ko rin siya magising gising dahil kulang siya sa tulog.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas yon, pumasok si gabriel. Agad siya napatingin sa posisyon ko, na yakap ni khysler yung binti ko tapis nakahiga si cloud sa paa ko.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon