SXIELA P.O.V
Nakaramdam ako na may tumatapik sa mukha ko. Kaya pinalo ko yung kamay non.
"Ano ba to ! Tulog na namamalo pa. Gumising ka na uy."
Dinilat ko yung mata ko at nakita ko ang pagmumukha ni cloud.
"Kala ko ayaw mo gumising eh." saad nito.
Unti unti na rin gumigising yung mga kasama ko.
Nakarating na pala kami sa bahay ni sir arwin. Psh.
Bumaba na ako ng van at bumaba na rin sila reib. Gusto ko pa matulog.
"Pasok na tayo sa loob." saad ni sian at nauna na sumunod naman kami.
Pagpasok namin. May babaeng naka upo sa sofa. I think 14 yrs old na siya.
"Good thing at nandito na kayo. Next time i-deretso niyo na lang ako sa bahay ni kuya kesa dito." galit na saad niya... Teka samin ba ??
"Shut up. Sino ba kasi nagsabi sayong pumunta ka sa gubat na yun ?" tanong ni sian sa bata.
Magkakilala sila ??
"Bakit ?? Doon din naman punta niyo diba ? Tutal doon din naman punta niyo naisipan kong dalawin si daddy. Masama ba ??" tanong nito.
Daddy ?? Sinong dadalawin niya ??
Napataas na lang ako ng kilay. Nahalata naman nilang nagtataka kami kaya nagpaliwanag sila.
"Isa pa siya sa mga pinuntahan namin. At siya rin yung sinasabi ko sa inyong pinoprotektahan namin. She's so annoying. " saad ni sian.
"Don't care." at inirapan niya yun.
"Ha? Akala ko pa naman si s-- hmnn" biglang tinakpan ni cloud bibig ni precious.
Tinaasan ko tuloy sila ng kilay.
"Let's eat." napalingon kami sa kusina ng magsalita si sir arwin. Naka apron pa siya.
Saktong sakto nagugutom ako. Naglakad kaming lahat papunta sa kusina pati rin yung bata kasama rin namin.
Habang nakain kami hindi ko maiwasang mailang sa batang kasama nila sian dahil panay ang titig nito sakin.
"Si kristine nga pala...." nilunok muna ni sir arwin yung kinakain niya bago niya pinagpatuloy yung sasabihin niya. 'Oo nga pala si kristine.'
"Ayos na daw siya. Hindi naman daw siya naubusan ng dugo. Medyo malalim din daw yung sugat niya. Kaya daw siya nahimatay dahil sa init at gutom." saad ni sir arwin.
*sigh* Thank god at walang nangyari sa kaniya.
Pagtapos namin kumain aakyat na sana kami para magpahinga dahil gabi na.
"Sxiela. Sa kwarto mo muna matutulog si Clarise." saad ni sir arwin. Tumango na lang ako. Umakyat ulit ako at sumunod yung tinatawag ni sir arwin na clarise.
Kasya namin kami dahil maliit lang si clarise.
Kumuha ako ng mga pamalit na damit ko at nagpalit sa c.r. iniwan ko muna doon si clarise.
Paglabas ko hawak hawak niya yung picture frame namin nila mommy and daddy. Family picture kasi namin yun baby palang don si gab.
Napalingon naman siya sakin at may halong sakit ang makikita mo sa mata.
"You have a nice familya, ha." saad nito sakin. Hindi ko maintindihan ang pinapakita niyan.
"Yeah thanks." tanging nasabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Novela JuvenilMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...