~~CHAPTER 10~~

32 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang hindi pamilyar na kwarto.

Opisina ata to ?? Pero kanino ?? Tumayo ako at tinignan yung balikat ko. Teka ?!?! Bat nawala yung sugat sa balikat ko ?!?! Kinapa ko yung dalawang balikat ko pero walang kahit anong sumasakit !!

Naglakad lakad ako sa opisinang ito. May nakita akong blue print sa lamesa. Pagtingin ko isang makinang kakaiba. Hindi ko siya magets. Hindi rin nakalagay kung para saan yung mga yun.

Lumabas na ako sa opisina pero bat parang walang katao tao, ang tahimik ng paligid. Bakit kaya ?? Shaka hindi masyadong malinaw yung daanan.

Naglakad lakad lang ako napahinto ako ng makita yung isang kwarto yung walang pinto. Pumasok ako run. Nagulat ako ng isang makinaang sumalubong sakin. Ito yung makina don sa blue print.

"Sxiela...." nakarinig ako na pamilyar na boses
.
.
.
Boses ni kristine.

"Sxiela gumising ka na plss" hindi ako nagkakamali si kristine yun.

Teka anong sabi niya ?? Gumising na ako ??

Bigla akong natakot at nanlamig ng unti unting nagiging itim yung paligid ko at nalulusaw yung mga bagay bagay sa paligid ko. Pati sahig nalulusaw pati, yung inaapakan ko kaya nahulog ako.

"AAAAAHHHHHHHHH" mahabang tili ko ng hindi ako bumabagsak sa sahig.

Nagulat ako ng 2 paa ko ang nakaapak sa sahig. Tinignan ko yung kapaligiran at yung suot ko. Naka itim ako at may hawak na espada.

"SXIELA !!!" nagulat ako ng may sumigaw at may matandang lalaking humarang sakin. Hindi ko namalayang may bala ng baril ang papunta sakin.

"Sx..ie.la" utal utal niyang saad. Biglang tumulo ang luha ko. Bakit ako umiiyak?

Tinignan ko yung kapaligiran. Nanlaki yung mata ko ng makita sila
.
.
.
.
.
.
.
.
kristine,reib,alice,precious,ivan,sian,clark,ethan, at cloud sa sahig na naliligo sa sarili nilang dugo. Pagtingin ko sa sulok, sunod sunod na luha ang tumulo ng makita ko si mommy na naliligo rin sa sarili niyang dugo. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko don yung babaeng nakalaban namin ni cloud, deretso siyang nakatingin sakin.

"Ikaw ba may gawa nito!" halos galit na  sigaw ko sa kanya.

"Paano kung oo?" may pangaasar ang tono niya.

Hinawakan ko ng mahigpit itong espada at tumakbo papalapit sa kanya.

Matatamaan ko sana siya kaso..... Napadilat ako na kumakabog yung dibdib ko. Tinignan ko yung paligid ko. So panaginip yun ?? Sana nga, sana. Nasa Ospital ako.

"Sxiela, ano bang nangyayari sayo ??" si kristine.

Gusto ko umiyak ng makita siya.

"May napanaginipan ka ba ?? Bat ka umuungol??" tanong niya sakin pero ang sagot ko lang ay iling. Hinawakan ko yung kaliwang balikat ko at napa-aray. Hindi na ako nanaginip

"Sabi ng doctor kailangan mo daw kumain ng gulay kaya nagluto kami ng pakbet." sabi ni kristine

"Kailangan mo rin mag exercise sabi rin ng doctor." sabi ulit ni kristine

Nakatingin lang sila alice samin. Kumpleto kami ngayon.

"May mga gamot ka rin kailangan inumin lalo na yung vitamins."sabi ulit ni kristine

"Kailangan din daw sakto daw yung tulog monpara makapagpahinga yung katawan mo" sabi ulit ni kristine

Sa totoo lang naririndi na yung tenga ko sa kanya.

"Shaka--" hindi niya natuloy yung sasabihin niya ng sumingit ako.

"May balak ka ba maging nanay ko ??HA ??" pagtatanong ko sa kanya. Nagtataka naman yung mukha niya

"Kristine bayaan mo na siya" natatawang saad ni reib kay kristine.

"Maiba tayo bakit nasa itaas ka ng building ??" pagtatanong ni precious.

"At kasama niya pa si cloud" pangangasar sakin ni kristine.

"Ayieeeeeeeeeee" sabay sabay na sabi nila.

Naalala ko ulit yung nangyari sa building

'Hindi kami mag aaksaya ng oras sa kanya kung wala siyang ginawa, sa tingin mo ba hahabulin namin yung nakakita samin, syempre hindi. Napaka importante yung kinuha niya samin alam mo ba yun ?!? Dahil sa batang yun nagkagulo ang lahat !'

Naalala ko bigla yung sinabi nung babae. May kinuha si princess na importante sa kanila ??

"Precious."pagkuha ko ng atensyon niya tumingin naman siya sakin.

"Bakit ?"- precious

"May kakaiba bang gamit si princess"

Nag isip siya ng malalim bago ako sagutin.

"Meron. Bakit ?" - precious

Nanlaki yung mata ko ng sabihin niya yun tatayo sana ako kaso masakit yung balikat ko kaya bumagsak ulit ako.

"Ano yung bagay na yun?"

"Bakit ba ??"-precious

"Hindi nila hinahabol si princess, hinahabol nila yung bagay na kinuha ni princess."pagsasaad ko sa kanila

"Ha ?? Ibig mong sabibin yung kakaibang kwintas na suot niya.." -precious

Kwintas ?? Hindi naman niya sinabi kung anong klaseng bagay yung kinuha ni princess.

"Hindi ko rin alam."

Biglang bumukas yung pinto nitong kwarto at pumasok si cloud,sian,ivan,clark,ethan.

"Anong kailangan niyo ??" pagtatanong ko sa kanila

"Masama bang dumalaw ??" pamimilosopo ni Ivan.

"Eh kung tadyakan kita ?" -ako

Nagtago siya sa likod ni sian.

"Sxiela, kailangan mo daw kumain ng gulay, mag exer-" pinutol ko agad yung sasabihin ni cloud

"PLSSSS LANG HUWAG MO NG ULITIN YUNG SINABI NI KRISTINE, PAGBUBUHULIN KO KAYONG DALAWA!!!" pagsigaw ko sa kanila kaya nagtakip sila ng tenga

"Bawal sumigaw!!"sabay na sabi ni krsitine at cloud.

"Nakita niyo ba yung nangyari dun sa babaeng estudyanteng namatay ?" pagtatanong ni sian.

"Oo, bakit ??"pagsagot at pagtanong ko sa kaniya.

"Bago daw mangyari yun sinampal daw niya si pauline na walang dahilan." pagsagot ni clark

"Ano naman kinalaman non dito ?? Shaka sino si pauline ?" pagtatanong ni precious

"Si Pauline
.
.
.
.
.
Isang Nerd na kaibigan ni Eunice" pagsagot ni cloud.

Napatingin ako kay cloud ng sabihin niya yun.

"Madaming nagsasabi na once na binully mo yung magkakaibigan may mangyayaring masama sayo." -sian

"Magkakaibigan ?? So marami sila ??" -Alice

Tumango lang yung mga lalaki.

"Sino sino sila ??"-reib

Unti unting pumipikit yung mata ko, hindi ko alam kung anong nangyayari. Hanggang sa tuluyang  nilamon na ako ng kadiliman.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon