~~CHAPTER 3~~

98 3 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V

KINABUKASAN maaga nagising si Sxiela para maghanda sa pagpunta sa bahay ni arwin dahil iniwan niya dun yung mga gamit niya sa skwelahan

Pagtapos gawin ang morning routine niya bumaba na siya at sumalubong sa kanya ang kapatid nito.

SXIELA P.O.V

Pag baba ko sumalubong agad sakin ang mukha ng hambog kong kapatid

Nakangiti pa siya ng todo sakin tinaasan ko naman siya ng kilay

"May nakalimutan ka ngayon ate" sabi ni gab

He is Gabriel Hashiene my one and only brother 12yrs old na siya

"Ano naman yun ?" pagtatanong ko dito at pumunta ng kusina

"Ikaw ngayon mag de-design para sa anniversary party nila mom" naka ngiting sabi nito

"eh pano kung ayaw ko ?" ngumuso lang siya sakin inerapan ko naman siya

Hambog talaga !!!!! Kaya lang naman ako yung gusto niyang magdesign kasi papapuntahin niya yung mga kaibigan niya para maki celebrate at mapagmalaki na ang ganda ng party.

"Magpatawag ka na lang ng designer dito sa bahay"

"Ehhh ate naman eh" napapikit ako ng mariin

Bat ba hindi ko matiis tong kapatid ko !!

"Tsk. Fine. Pag wala akong ginagawa" napangiti naman ito kaagad

"Thank you Ate !!!" napayakap pa toh sakin

"Sige na, umalis ka na" tumango naman ito at kumalas na sa yakap at tumakbo na papalabas ng bahay

Sumunod na rin ako at tinawag ko yung driver ko

Pina deretso ko na lang sa bahay ni sir arwin kasi naiwan dun yung gamit ko

Nang makarating ako narinig ko agad yung sigawan nila sa loob

"ARRRGGGHHH SIR ARWIN !!!!!! TATANGGALAN TALAGA KITA NG HININGA MAMAYA !!!!!" rinig kong sigaw ni Reib sa loob

"HAHAHAHAH PASALAMAT KA NGA MARUNONG AKO SA ARTS EH !! HAHAHA"rinig ko ding sigaw ni sir arwin

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa mini garden nito nakita ko sila dun na naghahabulan

Kaya pala galit na galit si Reib dahil puro pulbo at lipstick ang nasa mukha niya

"PRINCESS ANO BA !! MAGBIHIS KA NA !! MALA-LATE KA NA OH" rinig ko ring sigaw ni precious sa taas

Naglakad ako papunta kila sir arwin na ngayon niwrerestling na ni Reib

"Tigil niyo na yan"  saway ko sa kanila, napahinto naman si Reib

Tumayo na ito at umakyat na sa taas

"Kakaiba ka talaga magpakita ng pag ibig noh ?" sabi ko kay sir arwin na ngayon naka ngisi ng todo

"Buti pa ikaw alam mo, eh siya hindi" sabi pa nito

"Masyado pa siyang bata para alamin niyang mahal mo siya"

Naka ngiti parin si sir arwin

"Just wait, hanggang sa ma-realize niya" sabi ko kay sir at umalis na dun

Umakyat naman ako sa taas at pumunta sa tapat ng kwarto ni princess

Bago ako kumatok tumingin muna ako sa wristwatch ko

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon