~~CHAPTER 24~~

24 2 0
                                    

ALICE P.O.V

Andito na ako sa ilog. Inaantay ko pa rin si jeremiah ngayon. Aalis na kasi ako ngayon, inaantay na ako ng van na gagamitin ko pabalik.

Hayyyy, sigurado ako ng mapapagod kami bukas. Gusto na talaga nila wakasan yung mission namin. Kahit din naman ako gusto na rin matapos tong mission namin.

"Alice." biglang may humawak sa balikat ko napa lingon ako.

"Kanina ka pa ba nagaantay ?" umiiling agad ako sa tanong ni jeremiah.

"Ayos lang, may gusto ka bang sabihin?"

Napabuntong hininga siya ng malalim.

"Alam kong hindi ka maniniwala pero

Gusto kita." napatigil ako ng marinig yun. Hindi ako kumibo o nagsalita, inaantay ko siyang magsalita ulit

"Alam kong ilang araw ko palang ikaw nakikilala pero bihira lang kasi ang may makalapit sa mga kapatid ko. Sayo ko kasi nakita yung dating hindi ko naman hinahanap. Aaminin ko maraming nagkakagusto sakin." natawa pa siyang ng bahagya bago niya ulit pinagpatuloy yung sasabihin niya.

"Pero ako lang ang gusto nila,Hindi ang pamilyang kinalakihan ko. ' may lungkot sa mata at tono ng pananalita niya.

Bigla siyang may nilabas na kwintas sa bulsa niya. Hindi kwintas na gawa sa silver na beads. Tali lang siya at hindi rin siya pendant gawa lang siya sa kahoy.....na nakasulat yung pangalan ko sa magandang paraan.

Bigla niyang inabot sakin yun.

"Alam kong hindi mahal yan kumpara sa mga sinusuot mo. Pero kagabi ko lang ginawa yan. Tumulong pa nga si jubelle."

Kinuha ko yung kwintas at pinagmasdan.

"Maraming salamat." naka ngiting saad ko sa kaniya. Tumango lang siya na may ngiti sa labi niya.

"Kanina ka pa ata inaantay ng sasakyan mo."

Tumango na lang ako at tumalikod sa kanya.

Ay teka1 May nakalimutan akong sabihinkaya lumingon ako ulit sa kaniya

"Paalam, bibisita ulit ako dito." tuluyan na akong umalis.

SXIELA P.O.V

Inaantay namin ang pagdating ni alice dito sa bahay ni sir arwin. Tutal na ka van naman siya syempre dere-deretso na yan papunta dito.

"Sigurado ka bang bukas na talaga natin gagawin yun?" napalingon ako kay reib.

Tumango ako.

"Kailangan na, kung hindi man sa gubat na yun. Patuloy tayong maghahanap."

"Pero may pwede rin na hindi sila don nagtatago, nilibot na natin yun last time, right?" -precious

Tumango ulit ako.

"Nilibot natin, pero yung nilibot ni princess hindi pa."

"Guys, kain muna tayo." naka ngiting saad ni kristine ng lumabas siya sa kusina na daladala yung luto niyang pancake.

"Magluto ka pa don, dadating yung 5 asungot at si alice."

Kinuha namin yung pancake sa kamay niya at pinagtulakan pabalik sa kusina. Naka nguso naman siyang bumalik at nagluto ulit don.

Kumain lang kami ng kumain. Tinignan ko sila reib at precious sa harap ko.

Teka, alam ko malapit na birthday ni reib ah. Hmnn August 1 yun. And its July 20. Mukhang hindi na nila naalala yung birthday ng iba ah.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon