~~~/AFTER 5 MONTHS\~~~
SXIELA P.O.V
Nandito kami ngayon sa reception. Sino ang ikinasal? Kasal ngayon nila sir arwin and ate crystal. And naka move on na si sir arwin kay reib. Last month kasi umamin samin si sir arwin na may gusto na siya kay ate crystal. Natatawa pa nga ako sa pag-amin niya non,eh.
About kay reib? Sila pa rin naman ng jowa niya, huwag lang balakin ng jowa niya na lokohin si reib at ipagpalit sa ibang babae bali bali buto non kay reib tapos isama mo pa ang 10 pwersa na bubugbog sa kanya. Nakuu wag lang talaga niya balakin
Masaya ang lahat, masaya sila tita, mommy at ang iba pa syempre kasama na kami ng mga kaibigan ko.
"Can I get the attention of everyone?" napalingon ako sa gitna ng marinig ang boses ni ate crystal. Mukhang may sasabihin siya. Lahat ng tao na nasa reception tumingin kay ate crystal. Ang ganda ni ate crystal sa wedding dress niya. Sino kaya ang pumili non? Parehas kaming walang taste sa fashion,eh.
"May gusto lang kasi akong sabihin." walang kumibo sa mga nakikinig kay ate crystal, nakita ko naman na papalapit na sa kanya si sir arwin. Tumabi si sir arwin sa gilid ni ate crystal at nagtatakang tinignan ang asawa niya ngayon.
"K-kasi......." bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa boses ni ate crystal. Ano bang meron?? Bakit siya nauutal?? May nangyari ba sakanya?? Impostor ba siya?? Mag papa divorce na ba siya agad?? Kapag nag pa divorce siya agad iiyak na naman si sir arwin.
"N-nitong mga nakaraan na linggo, nakakaramdam ako ng antok at lagi akong sumusuka tuwing paggising ko. Pumunta ako sa isa sa mga doctor na kilala ko and nandito rin siya sa reception. Nag pa check up ako at doon ko nalaman n-na....." tumingin siya kay sir arwin bago sabihin ang susunod niyang sasabihin na ikinagulat ng lahat. "b-buntis ako." walang umimik sa aming lahat dahil sa balitang iyon. Napaawang ang bibig ko ganon ang bibig nila cloud at ng iba pa.
Napatakbo sila sian,cloud,ivan, clark at ethan sa pwesto ni sir arwin ng muntikan na itong matumba buti nasalo siya ng malapit sa kanya. Nagmadali na lang ako maglakad papunta sa kanila. Hindi ako makatakbo dahil sa suot kong gown. Biglang naghiyawan ang lahat at sumisigaw na ng congrats. Pagdating ko doon, bigla na lang niyakap ni sir arwin si ate crystal a-at m-mukhang umiiyak pa si sir arwin.
"S-sir arwin ayos ka lang?" tanong ni precious kay sir arwin pero hindi sumagot si sir arwin. Kaya ngumiti si ate crystal kay precious at sinabing ok lang si sir arwin.
"Congrats, ate crystal." ngumiti siya sakin ng batiin ko siya bumitaw siya sa pagkakayakap kay sir arwin at sakin naman siya yumakap.
"Sxiela, ibalik mo nga asawa ko!" maktol ni sir arwinbnilabas ko ang dila ko at inaasar siya at hinigpitan ang yakap kay ate crystal.
"Ayaw ko nga, hindi ko siya ibabalik sayo, noh!" pangaasar ko sa kaniya. Lumapit siya samin at kinakalabit si ate crystal pero hindi siya pinapansin ni ate crystal at yumakap pa sakin.
"Ayaw niya na sayo, mag di-divorce na daw kayo. Hahahaha" asar ni cloud kay sir arwin. Baliw rin ang isang to. Kumalas na si ate crystal sa pagkakayakap sakin at kumapit na sa braso ni sir arwin. Bigla naman umakbay si cloud sakin.
Nanliligaw nga pala sakin si cloud. Matindi nga pinagdaanan niyan bago ako maligawan,eh. Una dumaan siya kila mommy and daddy. Napapayag naman niya sila mommy and daddy na manligaw sakin. Sunod naman ay si gab napapayag niya si gab na walang kahirap hirap. At sunod naman ay si g-gabriel. Mas matindi ang isang yon. Pinag training niya si cloud halos malagutan ng hininga si ulap dahil doon. Naglaban pa nga silang dalawa,eh. Pagtapos ng laban nilang dalawa non pinagbigyan na siya ni gabriel na manligaw sakin.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Novela JuvenilMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...