~~CHAPTER 37~~

21 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Nasa hallway ako ngayon, papunta sa classroom namin. Naisipan kasi namin na pumasok ngayong araw kasi may pasok naman. Ayaw ko na umabsent.

Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na yung target ko. Hindi na ako nag dalawang isip na sundan siya. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumasok ngayong araw. 

Dahil masyadong malayo yung agwat naman. Mas binilisan ko maglakad, hindi naman ako ganon kalapit, sapat na  hindi niya ako mapapansin.

Pumasok na siya sa classroom niya, Argh. Kala ko pa naman may pupuntahan siyang iba, ok lang yan, meron pa naman mamaya. Pumasok na lang ako sa loob ng classroom. Nakita agad ako ni kristine kaya hinila niya ako sa tabi ng upuan niya.

"Bakit?" agad na tanong ko sa kaniya.

"Ah eh, hehehe, yung tungkol kasi kay Eunice."

"Anong meron don?"

"Hindi ko rin alam." napairap na lang ako sa kawalan. Akala ko pa naman nakahanap agad sila ng impormasyon, wala naman pala. Pero may kakaiba kay kristine ngayon, hindi ko lang alam kung ano, malalaman ko rin yan.

"Tsk." akmang tatayo na ako ng hilahin niya ako ulit paupo.

"Ano na naman?!" iritang baling ko sa kaniya.

"Ah eh, hehehe, m-may assign ba tayo?"

Nagtataka na talaga ako sa kaniya, may kakaiba talaga, eh.

"Wala, kaya pwede ba." kinuha ko pabalik yung braso ko shaka nag lakad na sa upuan ko. Bago ako maka punta sa upuan ko, nakita ko pa si cloud na nakikipag-usap sa ibang babae, hindi ko na lang pinansin shaka umupo na sa upuan ko. 

.........FAST FORWARD..........

Nasa cafeteria kami ngayon, at ang lintek na khysler pumasok din ngayon. Katabi ko siya ngayon, nalamon nga siya, eh, at ang masaklap pa don, nagpalibre pa siya sakin. Dahil mabait ako, nilibre ko na lang siya.

"Bakit hindi mo manlang ako dinaanan kanina sa ospital?" tanong ni khysler, ewan ba bakit ang daldal niya samantalang ang tahimik ng mga kasama ko, siya lang talaga.

"Ospital? Bakit ka naman pupuntahan ni sxiela don?" tanong bigla ni alice, tinignan niya ako ng makahulugan.

Hindi nga pala nila alam na pinunta ko si khysler sa ospital.

"Hindi niyo pa alam? Kami na kaya ni sxiela." pagkasabi ni khysler non, agad akong nabulunan sa sarili kong laway.

"ANO?! KAYO NA! SXIELA!" sigaw ni kristine. Napayuko na lang ako kasi biglang tumingin samin yung ibang estudyante. Binalingan ko naman agad sila ng mawala yung hiya ko.

"Pwede ba, huwag kayong sumigaw. At ikaw," binalingan ko si khysler shaka binatukan. "Sino nagsabi sayo na tayo na? Nauntog ka ba? Gusto mo untog natin ulit?" sinamaan ko ng tingin si khysler. 

"Hehehe, sabi ko nga, eh. Bawal mag sinungaling." bumalik na ulit siya sa pagkain ng pagkain niya.

"So, bakit mo nga siya pinupuntahan sa ospital sxiela?" tanong ni precious.

Sasabihin ko ba? Sabihin ko na nga lang. Tutal malalaman naman nila kay Sian o Cloud, eh. Mas ok ng sakin galing. 

Ibubuka ko na sana yung bibig ko ng makita ko si Eunice, may kasama siya pero hindi ko kilala. Mukhang kaibigan niya yon, ah. 

Siniko ko si khysler, bumaling naman agad siya sakin.

"Sino yon?" sabay turo ko sa kasama ni Eunice.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon