SXIELA P.O.V
Naglalakad kami ngayon nila alice papuntang cafeteria. Halos lahat ng mga babae at lalaki pinaguusapan nila yung natagpuang patay kanina.
Pagpunta kasi namin dito may nakita kami na paalis na pulis at ambulansya na galing dito sa school.
"Hulaan ko sila Eunice the Nerd ang may gawa nun" biglang napahinto si alice ng marinig namin yung sinabi nung lalaki.
Bigla siyang naglakad palapit sa lalaki. Tinatawag namin siya kaso hindi siya huminto kaya sumunod kami sa kanya
"Grabe nakakatakot yung itsura nung namatay noh" sabi nung lalaki ng makalapit kami sa kanila.
"Uhm excuse me" panimula ni alice.
"Ano pong buong pangalan ng Eunice na tinutukoy niyo." Nagtataka yung mga mukha ng lalaki ng lumingon sila samin.
" Eunice claine Ramuro, bakit ?" sagot nung lalaking naka upo.
"Wala lang sige salamat" pagkasabi ni alice nun bigla niya akong hinila paalis.
Nakarating kami sa cafeteria sumunod lang samin sila Reib.
"Bakit mo tinanong yung pangalan niya?" pagatatanong ko agad sa kaniya ng bitawan niya yung kamay ko at umupo sa upuan.
"Natatandaan niyo pa ba si Lance ?" pagtatanong niya samin.
"Yung ex mo ?" pagsagot ni kristine, tumango naman si alice.
"Si Eunice Claine Ramuro...." huminto pa siya at bumuga ng hangin "siya yung babaeng kinakabaliwan niya " biglang nanlaki yung mata naming apat ng marinig yun. "May chance na nandito si Lance" pagsasaad ni alice.
"Pero sabi nung lalaki diba na si Eunice daw pumatay dun sa natagpuan kanina" pagsaad ni reib
"Sa tingin ko hindi lang siya ang suspect" pagsasaad ko naman napatingin naman sila sakin
" Sabi nung lalaki diba na 'sila' Eunice the Nerd ang may gawa nun? Ibig sabihin may kasama siya" pagsasaad ko ulit
"Pero kaya bang pumatay ni Eunice o kaya...." hindi na tinuloy ni kristine ang sasabihin niya
O kaya Deadly Rose gang ang may gawa nun. Satingin ko kailangan na namin simulan yung misyon namin.
.........FAST FORWARD........
Dinismissed na kami ng teacher namin kaya lumabas na kami.
Una namin gagawin lilibutin muna namin yung iskwelahan baka sakaling makita namin si Eunice, pag hindi namin siya nakita pupuntahan namin kung saan pinatay yung lalaki o kaya pupunta kami sa lalaking pinatay.
Kaya naglakadlakad kami kaso kasama sila cloud, hindi namin saulo to'ng iskwelahan kaya nagpasama kami sa kanila.
Napahinto kami sa paglalakad ng huminto si alice sa paglalakad at nakatingin dun sa babaeng kakalabas lang ng cr
"Eunice" pagsasalita ni alice na ikinalingon nung babae.
Parang nagtataka yung babae bakit kilala siya nito kaya tinignan niya ito ng maigi at nanlaki ang mata ng marealize niya kung sino si alice
"Alice ?"
THIRD PERSON P.O.V
Halos nagtitigan lang ang dalawang dalaga at parang walang balak magsalita. Hindi na matiis ng mga kasama niya ang pagtitigan nila kaya sila na ang nagsalita
"Uhm may itatanong lang kami sayo" panimula ni reib. Parang natauhan naman si Eunice at Alice nag magsalita si Reib.
"Ano yun ?" pabalik na tanong ni Eunice.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...