Sinusuot ko na ngayon yung pang Nerd. Hindi na namin binago pa yung kasuotan namin. Hindi na rin muna namin sinabi kay sir arwin na gusto namin palitan ito. Sigurado naman na kami na naman ang uunahin non at iiwanan na naman niya yung kompanya niya kaya hindi na namin sinabi.
Nagpahatid na ako sa driver namin. Habang bumabyahe kami papuntang school. Biglang tumawag si khysler. Sinagot ko naman agad.
"Bakit ??"
[Anong oras mo balak pumasok ?!? Ha ?!?] rinig na rinig ko yung galit na sigaw ni khysler.
"Ano bang--" napahinto ako ng may marinig akong nagsalita sa kabilang linya.
[Hide as you can.... If i found all of you. Your dead
Shit pre anong gagawin natin??]
Ano yun.
[Shit sxiela!! Dumaan ka muna sa bakanteng lote bago pumunta ng school. Malapit lang to doon. Bilisan mo !!! Yawko pa mamatay.] pagkatapos niya sabihin yun pinatay na niya yung tawag.
Nakita ko yung bakanteng loteng sinasabi ni khysler.
"Pakihinto muna dito." sabi ko sa driver ko ng tumapat kami sa lote. Napatingin ako sa suot ko ngayon. Huhubarikn ko ba to o hindi?? Paano ako lalaban na ang haba haba ng palda at malaki yung damit ko?? Tinignan ko yung driver ko.
"May damit po doon sa likod." simpleng saad nito nang magtama yung paningin namin.
Lumabas agad ako ng kotse at pumunta sa likod nito. Buti nakasando at short ako. Nagsuot lang ako ng t-shirt dahil eto lang ang nandoon. Itim na t-shirt naman ito eh. Pinabayaan ko na lang yung short at sapatos ko tutal komportable na ako sa suot ko. Naglakad lakad na ako sa lote pero wala naman akong nakikitang kakaiba rito.
"SHIT !!! AYAW KO PA MAMATAY MAAWA KA!!" nakarinig ako ng sigaw pero hindi boses ni khysler. Npatakbo agad ako doon.
Nakakita ako ng lalaking gumagapang sa sahig at may babaeng naka itim na mask, pati suot nito itim. Naalerto ako ng may hawak itong kutsilyo akmang isasaksak na niya sa lalaking gumagapang, hinubad ko yung sapatos ko at binato ito sa babae. Nasa likod ko lang yung arnis na kinuha ko kanina lang.
Tumama sa dibdib ng babae yung sapatos ko. Tiyak na masakit yan. Tumakbo ako papalapit sa lalaki pero mukhang hindi nasaktan yung babae. Dahil hindi ako makatakbo ng maayos hinubad ko yung isa ko pang sapatos shaka hinagis sa mukha nung babae. Inalalayan ko yung lalaki pinaupo ko ito sa gilid.
"Asan si khysler??" tanong ko agad sa lalaki.
"Hindi ko alam, nagkahiwalay kami kanina lang." saad nito.
Nakaramdam akong may tumama sa likod ko. Pagtingin ko yung sapatos ko, binato pabalik ng babae yung sapatos ko. Tinignan niya ako mata sa mata. Itim na itim yung mata nito. Tinignan niya yung lalaking nasa gilid ko. Parang lumiyab yung mata nito. Tumakbo ito palapit sa lalaki. Pero dahil nasa harap ako hindi agad siya nakalapit sa lalaki. Sinipa ko siya pero nakailag ito. Biglang may tumunog sa bulsa ko.
Shit yung cellphone ko. Nagbibigay ng suntok itong babae pero iniilagan ko lang. Tunog pa rin ng tunog yung cellphone ko, shit. Kumuha muna ako ng bwelo shaka sinipa yung babae buti hindi nailagan. Ininda nung babae yung sakit ng tiyan niya. Kinuha ko agad yung cellphone kong tumutunog.
Si kristine natawag. Sinagot ko naman.
[Nasaan ka?? Nagsisimula na yung klase. Nasa cr ako ngayon para tawagan ka.] pagkasabi ni kristine nun. Napamura pa ako.
"Shit. Mamaya pa ako makakapasok. May inaasikaso lang ako." habang kinakausap ko si kristine. Kinabahan ako ng tumayo ng tuwid yung babae.
"Ahh ok bast-] hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin ni kristine agad ko ito pinatay ng sumugod yung babae.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...