THIRD PERSON P.O.V
Naguusap usap sila sian kasama si sir arwin sa bahay nito, andoon din si jeremiah.
"So, sinasabi mong nawala sila nung tinawag mo sila Ivan?" tanong ni sir arwin kay sian. Tumango naman si Sian. Kinuha ni sir arwin ang cellphone niya at kinontact ang cellphone ni sxiela.
Akala niya walang sasagot pero nagkamali sila.
"Sxiela? Asan kayo?" halo halo ang emosyon ni sir arwin ng may sumagot sa tawag niya.
[Huwag kayong magalala, wala pa kaming balak saktan sila. Ibibigay mo lang saakin ang batang si princess.]
Natigilan si sir arwin ng ibang boses ang sumagot lalo rin siyang natigilan dahil sa sinabi nito.
"Sino ka naman? At bakit kailangan niyo si princess?"
[Hindi mo na kailangan alamin kung sino ako, kung ayaw mo dalhin si princess dito, ibigay mo sakin ang kwintas niya.]
Napaisip si sir arwin sa sinabi ng babae.
[Bibigyan kita ng oras hanggang mamaya lamang ng gabi, kung wala pa kayo dito sa gubat na pinuntahan nila noon, ipapadala ko sila dyan na malamig ang katawan.]
*toot**toot**toot*
Pagkatapos sabihin iyon ng babaeng nasa cellphone binaba na niya ang tawag.
Tinignan ni sir arwin sila cloud na curious sa kausap nito kanina.
Kaya nagsalita na siya
"Kailangan natin pumunta agad sa gubat na pinuntahan niyo noon, sa tingin ko sa lumang building iyon." saad ni sir arwin.
"Bakit daw? " tanong ni Sian.
"Hindi ko rin alam, pero bago tayo pumunta doon kailangan natin puntahan si princess sa bahay nila. May kailangan tayong kunin." pagkasabi ni sir arwin non, tumayo na siya at naglakad sa kwarto niya para magpalit ng damit. Tinawagan niya si crystal at pinaalam ang nangyari kay sxiela.
Samantalang tinawagan agad ni cloud si gabriel at sinabi rin ang nangyari kay sxiela. Pagtapos niya gawin iyon ay lumabas na siya at pumunta ng van. Hindi na siya nagpalit ng damit dahil kakailanganin niya pang umuwi para doon.
Nang nasa loob na ng van ang lahat pinaandar na iyon patungong bahay nila precious. Tinawagan na rin nila si Kalvin, ang kuya ni precious. Pinaalam din niya ang nangyari at sinabing kailangan nila ang kwintas ni princess.
Nang makarating sila sa bahay ni princess nasa labas ito kasama ang kuya niya. Sinalubong ni princess sila sir arwin. Tinanggal niya ang suot na kwintas at inabot iyon kay sir arwin.
"Iligtas niyo po sana si ate." saad ni princess kay sir arwin at tumulo ang luha niya. Kahit hindi sila masyadong nagkakasundo ni precious, nagaalala pa rin siya. Naalala niya na lagi na lang binubuwis ng ate niya ang buhay niya para sa kaniya.
Tumango si sir arwin sa bata at nagpaalam na, sumakay na ulit sila sa van at pinaandar na ulit iyon papuntang gubat. Nagplano plano sila ng gagawin nila. Dahil andon din naman si gabriel hindi sila mahihirapan. Dala rin nila ang mga arnis nila sxiela pati rin yung kanila. Baril ang gagamitin ni sir arwin.
SXIELA P.O.V
Unti unti kong dinilat ang mata ko, medyo malabo ang paningin ko. Nang naging malinaw na natigilan ako bigla.
Asan ako? Bakit nakatali tong kamay ko at may takip pa ang bibig ko?
Nilibot ko ang paningin ko at huminto sa apat na babaeng natutulog.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...