SXIELA P.O.V
Nang matapos asikasuhin ng doctor si khysler, pumasok ako sa loob at umupo sa uluhan niya.
"Hoy, gumising ka na nga." pagkausap ko sa bangkay niya.
Bumukas yung pinto at pumasok sa loob si Gabriel.
"Kahit anong gawin mo, hindi mo siya makakausap." napayuko ako ng sabihin niya yon.
Ano ba yan! Pinapagaan ko nga yung loob ko, eh.
Tumabi siya sakin at hinila ako para yakapin.
Bakit ba ang hilig niyang yakapin ako? Normal lang ba yon sa isang assassin?
"Noong namatay ang nanay ko, kinakausap ko rin siya kahit alam kong hindi siya sasagot. Gusto kong pagaanin yung loob ko noon." humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya ng sabihin niya yon.
"Namatay na yung nanay mo?" tumango naman siya. "Paano mo naman nakayanan yon?"
"Kaya rin ako naging assassin dahil don, umiyak lang din ako ng umiyak noon. Hindi ko yon matanggap. Si mama lang ang nagpalaki sakin, hindi niya noon pinakilala saakin ang papa ko." kwento nito sakin.
Bakit parang may kaparehas yung kinwekwento niya sakin? Parang yan din yung kinwento ni Aries sakin ng papalabas kami para sunduin sila Sian.
"Makakayanan mo lang yan kapag tinanggap mo. Mahirap man tanggapin pero kailangan mo pa rin. Hindi namatay ang kaibigan mo dahil hindi mo siya natulungan. Matagal na siyang patay kung hindi mo manlang siya tutulungan." tumango tango na lang ako kahit wala akong maintindihan. May assassin ba talagang madaldal? Ang daldal niya, eh.
"Uuwi na ako. Babalikan ko na lang siya bukas. Ibabalita ko na rin sa magulang niya." tumayo na ako. Tinignan ko ang malamig na bangkay ni khysler.
Siguro nga matagal ng malamig yung katawan niya kung hindi ko siya tinulungan.
~~*~~*~~*~~
Nasa bahay na ako. Nakahiga lang sa higaan ko. Hindi na ako naiyak. Masasayang yung luha ko.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Pumasok sa loob ng kwarto ko si gabriel, yung kapatid ko.
Tumabi siya sa paghiga ko.
"Ate, bakit parang may problema ka?" tanong niya sakin. Binalingan ko siya.
"Lagi naman ako may problema."
"Pero bakit parang ngayon mas mabigat yung problema mo?"
Ang chismoso ng kapatid ko.
"Namatay yung kaibigan ko." bigla siyang napabangon sa tabi ko, muntik na siyang malaglag sa higaan ko, buti nakakapit siya sa kumot ko.
"Sino namatay ate?! Si ate reib ba?! Si ate precious?! Si ate kristine?! Si ate hmnnmn." tinakpan ko agad yung bibig niya ng tuloy tuloy siya magsalita at sumisigaw.
"Bakit mo ba sila pinapatay? Si khysler yung namatay, hindi sila." tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya at pinunas sa damit niya.
Kadiri, may laway eh.
"Ahhh, kala ko pa naman sila. Pero nasabi mo na ba sa magulang niya?" umiling ako.
"Hindi pa nga. Paano ko sasabihin na namatay yung anak nila?"
"Sabihin mo te, nasagasaan."
"Nasagasaan pero may saksak?"
"Natusok kamo ng bubog."
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...