SXIELA P.O.V
Andito ako ngayon sa classroom namin at nakasubsob lang ang mukha ko sa mesa ko dahil walang prof. Yes, pumasok na kami except kay kristine na nagpapagaling pa hanggang ngayon. Nasa mismong bahay nila ngayon si kristine para daw may magaalaga sa kaniya kaya doon siya tinuloy ng makalabas ng ospital.
*sigh*
Sumabay pa si sir arwin, feeling ko may tinatago siya sa amin. Dati saglit lang siya doon sa kompanya niya ngayon inabot na siya ng 1 buwan. Isa rin to si tita claire ikakasal na daw si crystal arrange marriage. Pero hindi pa daw alam kung papayag yung lalaki. Tapos si reib
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
May boyfriend na.
*sigh*
Sumasakit ulo ko. Ano ba naman kasi tong si reib ng boyfriend agad. At ang masaklap pa don sinabi niya saamin kagabi pati na rin kay SIR ARWIN. Aisst ayaw ko ng i-flashback. Na bwi-bwisit lang ako.
"Uyyy sxiela tara na." sigaw ni reib sa pinto. Sa tingin ko breaktime na namin.
Kaya tumayo na ako at pumunta ng pinto kaso langya kasabay pala namin tong jowa niya.
"Sasabay na lang ako kila precious." boring ko sabi sa kaniya tumango naman siya at pinulupot na yung kamay niya sa braso ng jowa niya.
Pilipitin ko yang leeg mo eh.
Ano ba ang nakita don ni reib at nagustuhan niya yun ?? Mas ok nga si sir arwin. Nakuuuu sa birthday niya talaga babawi talaga ako sa kaniya.
Nagsimula na akong maglakad saktong lumabas sila precious at alice sa classroom nila.
"Oh, bakit ikaw lang mag-isa ? Don't tell me kasama niya yung lintek na boyfriendniya?" salubong saakin ni alice.
"Sa tingin mo?" tinignan ko siya ng 'obvious ba?' look
"Haysstt masasaktan din yan, tsk di ko feel jowa niya." saad ni alice at nagsimula na kami maglakad
Pagdating sa cafeteria umupo kami at silang dalawa na ang kumuha ng pagkain namin.
"Sxiela." biglang may tumabi saakin. Si khysler
Buhay pa pala to.
"Ano ?" irita kong saad sa kanya.
"Bakit hindi mo sinasagot tawag ko sayo?" pagtatanong niya.
"Hahayaan na kita mamatay, bwisit ka."
"Eh, bakit?"
"Anong bakit ? Walang hiya ka. Iniwan mo kaya ako last time na niligtas kita. Tapos sasabihin mo bakit? " halos pasigaw kong sabi sa kaniya.
Tapos may nilabas siya sa likod niya. Yung arnis ko. Hindi ko talag arnis yung ginamit ko nung pumunta kami sa gubat nagkataon lang na may extra doon sa kwarto ko at yun yung ginamit ko.
"Eh sa binalikan ko tong arnis mo don." sabi niya shaka inabot saakin yung arnis ko.
"Ahhhh ganun ba." kinuha ko yun at nilagay sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...