Sxiela P.O.V
Nasa school kami ngayon sa cafeteria. Nakain lang kami. Kompleto nga kami ngayon, absent jowa ni reib kaya na samin siya ngayon.
"Guys, huwag niyong kakalimutan yung pinapagawa ko, ha." bilin ko sa kanila. Kailangan nila masundan si Eunice.
"Ano yon?" biglang tanong ni reib.
Hindi ba nasabi sa kanya nila precious?
Tinignan ko sila precious at umiling sila. Mukha ngang hindi niya pa alam.
"Kailangan niyong sundan si Eunice. May iba akong dapat asikasuhin." saad ko sa kanila.
"Ano naman yon? Pupuntahan mo ba si khysler?" umiling ako sa tanong ni reib.
"Huwag ka ng magtanong pa." saad ko.
Next next day na yung birthday ni reib. Hanggang ngayon wala pa rin kaming plano. Ang dami kasi namin inaasikaso.
Pagtapos namin kumain bumalik agad kami sa classroom. Naka upo lang ako. Nang mahagilap ng mata ko yung target ko agad ako tumayo. Kasama ng target ko si Eunice.
Nilapitan ko yung pwesto ni kristine.
"Nakita ko si Eunice tara na." hihilahin ko sana siya.
"May klase pa tayo."
"Hindi tayo magtatagal." saad ko at hinila rin si reib.
"Anong meron?" tanong ni reib. Pinaliwanag naman ni kristine.
Pumunta kami sa classroom nila alice. Buti wala pang teacher, hinila ko agad sila tatlo palabas.
"Anong meron sxiela?" tanong ni precious.
Sinimulan ko ng maglakad, kakaliko lang nila Eunice.
"Sisimulan na natin." saad ko.
"Ang alin?" tanong ni alice.
"Susundan natin sila Eunice, kasama niya ngayon yung target ko." saad ko sa kanila.
Natatandaan niyo pa ba yung weird na nerd na binully ni khysler? Yung nahila niya yung panyo ko? Siya ang target ko.
Binilisan ko yung paglalakad ko. Bakit kasi ang haba ng lintek na hallway na to?
Saktong pagliko ko, lumiko ulit sila Eunice. Agad akong tumakbo para maabutan sila, nakasunod lang sila alice sa likod ko. Kaso pagliko ko, wala akong nakitang Eunice. Ang bilis naman nilang mawala. Hindi kaya...........
"Bumalik na muna kayo sa room." saad ko sa kanila.
"Ikaw? Hindi ka ba sasabay samin?" tanong ni reib.
"Mag c-cr lang ako." saad ko at naglakad na papalayo sa kanila.
"Ghe, balik ka agad, ha!" sigaw ni kristine.
"Oo !" sigaw ko rin pabalik. Hindi muna ako lumingon.
Nang makapunta ako ng cr, hindi muna ako pumasok. Sumilip ako kung nandoon pa ba sila kristine pero wala na sila.
Umalis na ako sa tapat ng cr. Wala naman talaga ako balak mag cr, palusot ko lang yon. Ako na mismo ang maghahanap kay Eunice at sa babaeng kasama niya.
Dumeretso ulit ako ng lakad pabalik sa kinaroroonan namin kanina. Nang makarating ako doon. Tinignan ko yung hallway papunta kanina sa cr.
Imposibleng mawala agad sila.
Naglakad ulit ako sa hallway na dinaanan nila Eunice kanina, pero dahan dahan ako naglalakad. Pinapakiramdaman ko lang. Huminto ako sa tapat ng pinto ng ewan ko kung anong kwarto to, basta huminto ako doon.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...