~~CHAPTER 17~~

24 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Andito ako sa kwarto ko sa bahay ni sir arwin, dito muna ako this week. Kasama ko si alice, SI ALICE lang. Pinapanood namin yung cctv nakuha niya sa office kanina. Pagpasok pa lang ng babaeng iyon naka mask siya at agaran rin niyang pinatay yung guwardiya.

Bakit ko nga pala poproblemahin ang babaeng ito. Kitang kita kung paano umakyat ang babae sa hagdan kung nasaan yung cctv.

"Ihinto mo." utos ko agad kay alice ng may makita akong kakaiba sa babae.

Tinitigan ko ng maigi yung kwintas niya. Silver na kakaiba ang kulay pero maliit lang ito kumpara sa nakita ko. Parehas sila ng kwintas ni princess pero mas malaki lang yung kay princess. How come na parehas sila??

Kita rin kung paano nag tatakbo si khysler para lang makalayo sa babaeng yun. Gusto ko matawa kapag nakikita ko si khysler sa video na nagtatakbo sa takot.

"HOYYY, BUMALIK KAYO DITO!! BWISIT KAYO!! KAYO BUMILI !" narinig ko yung sigaw ni sir arwin sa baba. Hanggang dito rinig boses niya.

Nagkatinginan kami ni alice shaka nagmamadaling bumaba ng hagdan. Pagbaba naman nag hahabulan sila sir arwin, khysler, cloud,sian,clark,ethan, at ivan. Samantalang sila kristine tumatawa lang.

"ANG MAHAL MAHAL NIYAN INUBOS NIYO LANG !!! NI HINDI PA NGA AKO NAKAKA TIKIM NIYAN INUBOS NIYO NA!"sigaw ni sir arwin habang hinahabol si cloud.

Napahawak ako sa ulo ko. Kapag sa bahay ako ang sinasaway ko lang si gab, dito naman sari sari. Saang lugar kaya ako pwedeng pumunta yung mag bibigay sakin ng kapayapaan. Kumukulo na talaga yung dugo ko sa kanila. Tumingin ako kila kristine. Na sinasabi kong Ano-bang-nangyari ? Tinuro naman niya yung mga plastic at karton ng tsokolateng nakakalat lang sa mesa. Ito yung hindi pinapagalaw samin ni sir arwin, eh tapos kinain nila. Haysss.

"WAHH TAKBOOO!" sigaw ni ethan na ikinarindi ng tenga ko.

"LAHAT KAYO MAGSIPAG TIGIL NGAYON NA !!" sigaw ko alam kong hindi masyadong maintindihan at marinig yung sinasabi ko pero wala ako pake buti na lang at tumigil sila.

"Linisin niyo yung kalat niyo." simpleng ssaad ko sa kanila.

"Pero-" hihirit sana si Ivan ng titigan ko siya ng masama.

"Sabi nga namin,eh mag lilinis na." saad naman ni cloud.

Umupo si sir arwin sa sofa. Inumpisahan na nilang ligpitin yung kalat. Pagkatapos nila magligpit umupo rin sila sa sofa. Nakatyo lang kami ni alice.

"Wala ba kayong balak umuwi?" tanong ko sa kanila.

"Diba bawal pa ako umuwi?" sagot ni khysler.

"Wala pa sundo ko"dahilan ni Sian. Napataas kilay ko sa sagot niya sakin.

"At kailangan ka pang sunduin?" tanong ko naman sa kanya.

"Syempre, uniko iho ako, only child, nag iisang taga pag mana samin. Kaya kailangan din nilang ingatan na parang kayaman."sagot nito.

"Para ka ngang kayaman, ang sarap mong ibaon sa ilalim ng lupa." sagot ko naman sa kaniya.

"Tsk." sagot na lang nito sakin.

"Ikaw khysler ihahatid ka nila precious pauwi."sagot ko na lang mukhang narinig naman ni precious kaya nag si akyatan agad sila sa taas. Umakyat na rin ako. Nang lumingon ako sa kanila bago ako umakyat, maghahampasan sana sila kung hindi lang ako lumingon. Sinenyasan ko si sir arwin na umakyat na sa taas. Ang tao talaga parang gamit, kailangan mong ayusin para hindi magulo at kailangan mo rin tanggalin yung pampagulo para umayos. Tsk.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon