~~CHAPTER 21~~

18 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

"May problema ba Sxiela?" tanong sakin ni sir nang makarating ako sa office niya.

"Mamaya ko na sasabihin kapag nandito na sila."

Umupo lang ako sa sofa na nandun sa office ni sir.

"Pagpatuloy niyo na yan sir." tumango lang siya shaka binalik na niya ang tingin niya sa mga papel na nasa harap niya.

Tinitigan ko ulit yung 2 litrato. Teka sila ba yung pumapatay sa mga estudyante ? Pero bakit parang mga kasing edad ko lang yung lagi kong kalaban at laging gustong patayin si Khysler ? Masyado nang magulo yung sitwasyon.

'Ang laki mo na ngayon ah samantalang sanggol ka pa lang nung huli kita nakita.'

Napahinto ako ng sumagi sa isipan ko yung sinabi ng babaeng nakalaban namin dati ni cloud sa rooftop ng katapat ng school.

Anong ibig niyang sabihin na sanggol pa lang ako ng huli niya ako makita? Si mommy lang makakasagot non.

"Lalim Sxiela, ah." napatingala ako ng may magsalita.

Andito na pala silang lahat.

"Anong meron ?" pagtatanong ni Kristine.

Sinenyasan ko silang lumapit sakin pati si sir sinenyasan ko. Nang makalapit silang lahat sakin at naka pwesto na sa tabi ko at nakapalibot na sakin pinakita ko sa kanila yung 2 litratong binigay sakin ni Gabriel.

"Sino naman yang 2 yan?" pagtatanong ni Reib.

"Hindi mo ba namumukhaan yung babae ?" pagtatanong ko sa kaniya pero umiling lang ito.

Tama kami lang pala ni cloud ang nakalaban non. Kahit dito sa picture naka mask siya.

"Itong babae ang nakalaban namin ni cloud at siya rin yung bumaril sakin sa balikat."

"Ano ba talaga meron?" pagtatanong ulit ni kristine.

"Kanina dumating yung assasin sa bahay at binigay niya sakin tong 2 litrato"

"Bakit naman daw?" - sir arwin.

"Para daw matapos na yung mission natin."

"You mean binigyan niya tayo ng clue ?" -alice. Tumango lang ako.

"Pero hindi ko pa rin malaman kung anong klaseng clue yung sinasabi niya. Hindi ko maintindihan lalo na at hindi na ako ngayon makaintindi." frustated ko sabi sa kanila.

"Teka diba si princess dati may kinekwento satin na may nakita daw siyang lalaking may tatto sa batok? Kung ipakita natin kay princess yung litratong iyan baka sakaling makilala niya." napahinto ako ng sabihin yun ni alice. Unti unti akong tumingin sakin shaka siya binigyan ng ngiti.

Sabi na nga ba lumilipad na naman yung utak ko dahil hindi ko yun naisip.

"Nasa bahay niyo ba si princess?" pagtatanong ko kay precious. Tumango naman siya.

"Teka lang aayusin ko lang to." saad ni sir. Tumango na lang kami at inantay siya. Tinulungan naman na siya ni reib. Kitang kita kay sir na hindi na siya mapakali sa kinakatayuan niya ng tulungan siya ni reib. Tsk ano pa kaya ang kayang gawin ng pag ibig??

Nang matapos sila pumasok kami sa kanya kanya naming kotse. At sunod sunod kaming umalis. Nangunguna yung kotse ni precious papunta sa bahay nila.

Nang makarating kami doon sunod sunod pa rin yung pag park ng kotse namin. Bumaba na kami isa-isa.

"Dapat talaga iisang kotse na lang ginamit natin eh." reklamo ni kristine.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon