SXIELA P.O.V
Nasa likod kami ni cloud sa isang bahay na malapit sa school.
"Kung huwag na lang kaya natin ituloy? Bukas na lang kaya ? Pasukan na rin naman ulit bukas eh" -cloud
Sinamaan ko siya ng tingin. Sa totoo lang kanina pa siya dada ng dada dyan.
"Gawin mo yung pinapagawa ko sayo." madiin na sabi ko kaya sinuot na niya yung sombrero niya. Tumingin pa siya sakin na nag aalanganin. Kaya sinamaan ko talaga siya ng tingin kaya nag lakad na siya palapit sa guard.
Nakipag usap siya sa guard habang pasimpleng in-inject yung pampatulog. Maya maya lang nakatulog na yung guard, lumapit ako kay cloud, nilagay niya yung guard sa upuan. Tinitignan ko kung may nakakita ba. Lumingon ako sa kanan doon sa may gilid ng bahay. Parang may nakatingin kasi dito, naglakad ako palapit doon, kaso....
"Sxiela, tara na bilisan lang natin dito." kaso hinila niya ako palayo doon sa bahay na yun.
Pagpasok namin sa school tumakbo kami agad sa hagdan paakyat ng third floor. Sinusundan ko lang siya dahil hindi ko naman kabisado tong school na toh. Huminto siya sa isang pinto, pinihit niya yung door knob kaso naka lock. Tumingin siya sakin, yung tingin niya kinakabahan na siya dahil maya maya lang pwede ng gumising yung guard.
"Sa bintana na lang tayo dadaan." hinila ko siya patakbo sa baba.
Pag baba namin nag uunat yung guard kaya dahan dahan kami bumalik sa taas buti na lang hindi kami nakita nung guard.
"Pano na yan nagising na siya ?" pagtatanong ni cloud.
"Nasaan yung mga susi ?" pabalik na tanong ko sa kanya.
"Nasa guard." napatingin agad ako sa kanya ng sabihin niya yun. Yung tingin na nanggigil ka kasi hindi man lang niya naisip na kailangan namin yung susing yun. Sasakalin ko na tong kasama ko. Tapos nung tumingin pa siya parang wala aiyang ginawang mali.
No choice, kailangan kong patulugin ulit yung guard.
Bababa na sana ako.
"Saan ka pupunta ?" pagtatanong niya sakin.
"Kukunin ko yung susi, ang galing mo kasi, eh" naiiritang sagot ko sa kanya.
"Huwag mo na kunin, may pin naman ako dito yun na lang gamitin natin. " tapos naglakad ulit siya paakyat.
Napanganga ako ng sabihin niya yun. Mas ok pa ata kasama sila kristine kesa dito. MAY PIN SIYA PERO HINDI MAN LANG NIYA AGAD SINABI KANINA !!!!
Naiiritang sumunod ako sa kanya. Huminto siya kanina sa pintong pinuntahan namin, binubuksan niya yung pinto ng guidance. Nabuksan na niya kaya naka pasok na kami. Pumunta agad ako sa computer ng guidance. Hinack ko agad yung kailangan i-hack at pinatay ko muna yung cctv para malaya kaming nakakagalaw sa loob ng school na to.
Lumabas na kami agad ni cloud at hinanap naman namin sa fifth floor yung principal office, katulad kanina naka lock yung pinto at binuksan niya. Buti hindi kami nakita kanina nung guard.
Pagpasok na namin pumunta agad ako sa mga files ng school na yon at hinalungkot. Ng makita ko yung hinahanap ko pinagdikit dikit ko yun. Hindi ko sinasadyang makabuo ng isang form na ikina laki ng mata ko ng makita yung form, pati na rin yung mga namatay. Parang huminto yung pag hinga ko ng makita yun.
Pinagdikit dikit ko yung mga picture na namatay sa school na to. Kahit pag balikbaliktarin ko siya ganun yung lumalabas. Yung huling nakita ko yung babaeng namatay sa leeg yung hiwa niya. Pero bakit dito leeg, binti, pala pulsuhan ang may hiwa. Ang weird pa ng kinalabasan. Para siyang torn na ewan na nakaka tindig balahibo. Kahit din si cloud natatakot doon sa picture kaya sa pinto siya nag babantay baka kasi biglang dumaan yung guard.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Ficțiune adolescențiMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...