SXIELA P.O.V
Nang makarating kami sa bahay ni Alice, may biglang sumalubong saakin na batang babae. Ito yong batang babaeng yumakap kay alice ng makarating kami sa kanila.
"Sino po kayo?" biglang tanong nito saakin.
Hindi niya ba ako namumukhaan?
"Asan si Ate Alice mo?"
"Bakit po?"
"Kakausapan ko lang."
"Eh? Bakit naman po?"
"Importante yung paguusapan namin, eh"
"Tungkol saan po ba yon?"
Kukutusan ko tong batang to! Ang daming tanong. Kala mo naman siya ang pinunta?
"Jubelle!" biglang lumabas si Jeremiah. Napatingin pa to saakin bago kay jubelle.
"Hinahanap niyo po ba si Alice? Pupunta daw siya sa bahay ni sir arwin."
Buti naman sinagot na ni Jeremiah yung tanong ko. Baka makutusan ko tong kapatid niya.
Teka bakit pala sila nasa bahay ni alice? Akala ko ba nahanapan na ni alice tong mga to ng bahay?
Hindi ko na lang yon tinanong. Nagpahatid na lang ako sa bahay ni sir arwin.
*sigh*
Sigurado akong imbitado ako sa kasal niya. Pinsan ko si ate crystal at kaibigan naman ako ni sir arwin. Bakit hindi ko namalayan yon? Na bumabagsak na pala company niya?
Nakatutok lang kasi ako sa mission na yon. At nilalayuan ko lahat ng problema ko sa buhay. Buti hindi ako na de-depressed. Stressed lang talaga.
Minsan talaga hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Wala rin ako pake sa palagid ko. Mamaya pala niyan iba na pala yung pamumuhay ko pero hindi ko pa rin alam.
Nakarating na ako sa bahay ni sir arwin. Huminga ako ng malalim.
Haharapin ko na naman sila.
Shaka na ako pumasok sa loob. Napakatahimik. Hindi gaya noon na nasa pinto ka palang maririnig mo na agad yung tawanan nila, yung asaran, yung sigawan, at kung anu-ano pa. Para bang walang tao dito kahit na meron. Sinarado ko na lang yung pinto at umakyat sa taas.
Pumunta ako sa kwarto ni Alice, at nandoon siya, nakadapa sa higaan niya.
"Kung sino ka man, pwede ka na umalis. Wala akong gana makipagusap." saad niya na hindi ako nililingon.
"I told you to accept it." pagkarinig niya non, doon na siya bumangon at tumingin saakin.
"Sxiela."
"Lumabas ka sa kwarto mo." utos ko rito.
"Bakit?" hindi ko siya sinagot.
"Lahat ng tao sa bawat kwarto lumabas kayo kung ayaw niyong ako ang pumasok dyan at kaladkarin kayo!" sigaw ko.
Isa-isa bumukas ang pinto ng tatlong kwarto. Mugto ang mga mata nila.
"Sundan niyo ko." utos ko at pumasok naman sa kwarto ko.
Sumunod sila, pagkapasok nila sinarado ko agad yung pinto. At umupo sa higaan ko, nakatayo lang sila doon.
"Bakit ba kayo nag da-drama? Sinabi ko na sa inyo na tanggapin niyo hindi ba?" tumango tango sila.
"Bakit kayo nag da-drama?"
"Natutuwa kami na ikakasal na si sir arwin. Pero ng malaman na dahil lang sa company niya, na bumabagsak, at hindi na niya masalba. Pakiramdam ko wala akong kwenta dahil don." sagot naman ni precious.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...