SXIELA P.O.V
Pagtapos namin magusap ni khysler, naglakad lakad lang ako sa hallway, nag mumunimuni, at nagiisip kung paano ko lulusutantong problema ko.
"Sxiela."biglang may tumawag sakin kaya lumingon ako. Paglingon ko si cloud.
"Bakit?" pagtatanong ko sa kaniya, pero ang seryoso ng mukha niya. Mukhang alam ko na toh.
Sinenyasan niya akong sundan siya. Nakarating kami sa likod ng school.
Humarap siya sakin, bago siya magsalita luminga linga pa siya. Shaka nagsalita.
"Alam mo bang muntik na akong mapahamak dahil sayo ? Buti na lang talaga at hindi umamin yung lalaking yun." -cloud
"Wala ka ng kailangan problemahin dahil hindi niya tayo nakilala, magpasalamat ka na lang." pagsisinungaling ko. Parang masama kasi yung kutob ko kapag sinabi ko sa kaniya na nakilala ako ni khysler.
"Tsk, hindi na talaga ako sasama sayo, yawko na" pagkasabi ni cloud nun bigla na lang siya umalis. Problema ba niya ?
Tsk, maglalakad na naman ako sa hallway.
Naglakad lakad ako sa hallway, maya maya lang nakita ko si khysler sa malayuan. May dumaan na babaeng naka salamin at parang inaantok pa. Nagulat ako ng madapa yung babaeng yun, pinatid ni khysler biglaan yung babaeng yun kaya tumumba yung babae. Tatakbo sana ako kaso binuhusan ng kasama khysler ng tubig yung babae.
"ANO PAPATAYIN MO RINBA KAMI ?HAHAHAHA" nagulat ako ng sumigaw at tumawa yung kasama ni khysler.
Naglakad na lang ako papalapit sa kaniya. Pagkalapit ko nagiba bigla yung expression ng mukha ni khysler hindi ko na lang pinansin.
Tinayo ko yung babae shaka inabot yung panyo ko, ayaw niya pang kunin at yumuko siya sakin. Kaya ako na yung nagpunaz ng basa niya mukha. Nagulat ako ng hawakan niya ng mahigpit yung kamay. Hindi ko agad na galaw yung katawan ko. Tumingin ako kila khysler pero nakalayo na sila samin.
"pl-ss h-uw-ag mu-na ngayon." mahina niyang bulong pero rinig ko pa rin. Halata sa boses niya na mabigat yung paghinga niya.
"A-yos ka lang?" medyo kinakabahan kong tanong sa kaniya. Pero hindi siya kumibo. Mas lalo niyang hinigpitan yung paghawak sa kamay ko.
"A-ah a-ray" daing ko. Pagka daing ko bigla siya tumakbo nahila niya pa yung panyo ko. Napahawak ako sa kamay ko.
Ano ba problema ng mga tao ngayon?
Pagtapos ng pangyayaring yun dumeretso na lang ako sa room, para magkaroon ng peaceful pero kahit saan ako magpunta may mangugulo talaga. Biruin mo nangapit bahay sila precious dito sa room.
"SXIELA " sinigaw pa ni kristine yung pangalan ko kay yung ibang estudyante napa tingin sakin. Aysstt naman!!
Naglakad ako ng mabilisan papunta sa kanila.
"hindi mo kailangan isigaw yung pangalan ko" madiin na pagkabulong ko kay kristine. Ngumiti naman siya ng alanganin at nag peace sign sakin.
Umupo na ako sa tabi nila.
"Ano naman yung ginagawa niyo dito at nangangapit bahay kayo?" pagtatanong ko kila reib at precious.
"May kailangan pagusapan mamaya sa bahay ni sir arwin. Pwede ka ba pumunta mamaya ?" -precious.
"Okay, pero kailangan mong dalhin si princess."
Nagtaka sila bigla sa sinabi ko.
"Dahil ba sa kwintas niya ?"pagtatanong ni reib. Tumango na lang
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Genç KurguMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...