SXIELA P.O.V
Dinilat ko yung mata ko at bumungad sakin yung nakakasilaw na ilaw ng kwartong toh.
"Buti naman gising ka na" napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita at si cloud yun.
"30 minutes kang natulog eh" naka nguso pa niyang sabi.
" ano naman ngayon ?"
"Ang hirap kaya pag wala kang kausap." -cloud
"Ulap... Mas magandang wala kang kausap para hindi ka mag ingay, asan ba sila alice ?"
"Bumili ng pagkain."-cloud
"Eh, bakit hindi ka sumama sa kanila ?"
"Eh, wala kang kasama eh" napataas kilay ko ng sabihin niya yun.
Eh, ano naman kung wala akong kasama ?? As if naman na may kukuha sakin o babarilin ako dito. Ayos lang magagamot naman agad ako eh. Nasa hospital kaya ako.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto, akala ko sila alice hindi pala sila.....
"ATEEEEEE !!!" sigaw ni gabriel.
Tumakbo si Gab sakin at niyakap ako.
"Arayyy masakit !!" hindi siya bumitiw sa yakap niya sa akin. Kaya piningot ko siya
"A-aray ma-masakit" binitawan ko yung tenga niya. Sabing masakit eh ayaw bumitaw.
"Buti isang bala lang yang tumama sayo, mas ok pa to kesa sa nakaraan mong sugat" halata sa mukha ni mommy na nag aaalala siya.
Napatingin si mommy sa gilid ko.
"Ah, Cloud Montagio po" nagulat pa siya ng tumingin sa kanya si mommy
"Ara Mae Hashien, mommy niya" naka ngiti pa si mommy ng makipag kamay siya kay cloud.
"Ah ako si-" hindi natuloy yung sasabihin ni gab ng sipain ko siya sa tiyan.
"Hindi niya tinatanong kaya manahimik ka."saway ko kay gab. Ngumuso naman siya.
"Masama ba ipagmalaki ko yung gwapo kong pangalan" naka nguso niyang sabi.
"Anong gwapo sa gabriel ha ?!?" bulyaw ko sa kanya
"Edi yung may ari nong pangalan" namimilosopong sagot niya kaya sinipa ko siya ulit sa tiyan, mahina lang naman.
"Hindi lang ikaw yung may ari ng pangalan na yon !" bulyaw ko ulit sa kanya.
Bumukas ulit yung pinto at pumasok sila alice,kristine,precious,reib,sian,ethan,clark at ivan. Punong puno tuloy yung kwarto dahil sa dami namin.
"Ah hello Tita kaya pala maingay dito, andito rin pala si gabriel" sabi ni reib at nag bow kay mommy
"Ate Reib" tumakbo siya kay reib at yumakap. Kaaway yan ni sir arwin eh.
"Hindi mo siya kadugo!" bulyaw ko ulit kay gab.
"Ang laki laki mo na yumayakap ka pa sa kanya, may girlfriend ka na nga eh" pangangasar ko sa kaniya namula naman siya.
"Ayieeeeee" sigawan nila alice.
"Binata na pala si Gab eh" pangangasar ni precious kay Gab.
Lumayo tuloy si gab sa kanila at tumabi sa higaan ko. Pinabayaan ko na lang.
"Anong binili niyong pagkain ?" tanong ko agad dahil nagugutom na ako.
BINABASA MO ANG
THE NERD (Completed)
Teen FictionMay limang babaeng magkakaibigan ang magpapanggap bilang nerd sa bagong iskwelahan na papasukan nila. Bakit? Para sa kaligtasan nila at sa kapatid ng kaibigan nila. May limang lalaki rin silang makilala. May mga lihim na mabubunyag. May mabubuon...