~~CHAPTER 23~~

16 2 0
                                    

ALICE P.O.V

Pangatlong araw ko na dito sa pangasinan. Habang patagal na patagal ako rito pa boring na pa boring yung araw ko. Hayssss.

Napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko ng maalala ko si jubelle. Hiramin ko kaya muna siya. Di naman siguro magagalit si Jeremiah diba? Aysstttt.

Lumabas ako ng bahay. Nagsisimula na si jeremiah sa trabaho niya. Hinahanap ng mata ko si jubelle. Hanggang sa nakita ko siya na hinahabol niya yung isang batang lalake na mas matanda sa kaniya. I think kuya niya yun. Kamukha eh.

"Pang apat ko pong kapatid." napalingon ako kay jeremiah. Nakatingin na pala siya sakin.

"Huwag mo na nga akong i-po" i'm acting childish. Kakainis kasi eh.

Tumango na lang siya habang natatawa. Tsk. Ang baby face ng mukha ko pino-po ako.

"Pwede ko ba sila lapitan?" pagtatanong ko kay Jeremiah.

Napaisip pasiya bago tumango.

"Mukhang makikilala ka naman ni jubelle. Pero si francis halatang matatakot sa inyo."

Bigla akong napasimangot, nubayan gusto ko ng maraming kalaro.

"Sige na lapitan mo na lang si jubelle." saad ni jeremiah.

Halata sa pananalita ni jeremiah na hindi siya sanay hindi mag po at opo. Tsk. Thank god dahil hindi ako mas matanda sa kanya, kung mas matanda ako sa kaniya siguro sabog na ako kakasabi niya ng po at opo.

Lumapit na ako sa naghahabulan na mag kapatid. Hindi naman ganun kalayo. Actually malapit lang yung bahay ni Jeremiah. Pero hindi ko alam kung alin dito yung bahay niya. Sa dami pa naman kase. Hindi ako napapansin ni jubelle dahil busy siya sa paghahabol sa kuya niya. Umiikot ikot lang silang dalawa. Maya maya biglang napagod si jubelle at umupo sa sahig. Ang kyut tignan. 

Nakataas yung kamay ni jubelle na parang tinatawag yung kuya niya. Kita sa mukha ng kuya francis niya na tuwang tuwa siya sa kapatid niya. Di na ako nakatiis at lumapit na ako kay jubelle. Kinalabit ko siya ng makalapit ako sa kaniya. Lumingon naman siya sakin. Nang makilala niya ako bigla siyang tumayo at yumakap sa leeg ko. Awww CUTEEE. Biglang may humila kay jubelle mula sa pagkakayakap sakin pag tingin ko si francis pala.

"Kuya bakit?" tanong ni jubelle.

"Kilala mo ba siya?"mahinahon na tanong ni francis kay jubelle, tumango naman si jubelle. Tinignan ako ni francis ng maigi. Shit naistatwa ako sa pwesto ko.

"Francis !!" biglang may sumigaw. Lumingon kami kung sino, si jeremiah lang pala. Tumakbo sa kaniya si francis hinila naman ako ni jubelle papalapit sa kuya niya.

"Kumain na muna kayo sa loob." saad ng kuya niya.

"May pagkain na kuya sa loob?" pagtatanong ni francis. Tinanguan naman sila ni jeremiah. Kinarga ni Jeremiah si jubelle. Nauna nang pumasok sa loob si francis.

"Mag tatanghalian na muna kami." saad ni jeremiah sakin. Natauhan naman ako bigla mula sa pagkakatitig kay francis hanggang sa makapasok ito sa isang bahay.

"Ah oo sige." diretsong saad ko. "Kakain na rin ako. Mamaya na lang ako makikipaglaro kay jubelle."

Tumango naman siya.

"Ba-bye jubelle." kaway ko habang lumalayo ako sa kanila.

"Ba-bye po ate ganda." kaway pabalik ni jubelle. Narinig kong natawa si jeremiah kaya natawa rin ako. Bata nga naman ang Honest masyado. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon