~~~CHAPTER 41~~~

45 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Nagising na lang ako bigla at hindi ko magalaw ang katawan ko. Sa pagkakaalam ko nawalan ng malay si gabriel at lumapit kami tapos-tapos hindi ko na alam ang nangyari.

Pinilit kong bumangon kahit masakit ang katawan ko at hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.

May lalaking nakayuko ang natutulog sa higaan ko. Nakaupo lang siya at ang dalawa niyang kamay ay naka cross sa higaan ko at doon siya natulog sa braso niya.

T-teka si Aries to, ah.

Niyugyog ko ang balikat ng lalaking natutulog at bigla na lamang napatayo. Gulat itong tumingin sakin. Si Aries nga.

"Buti gising ka na. Si gabriel na lang ang aantayin natin magising." biglang saad niya.

Teka ano bang nangyari pagtapos ko mawalan ng malay? Kasama rin namin si mommy!

"Anong nangyari sa iba? Si mommy? Asan siya? Sila cloud? Si sir arwin? Yung iba? Asan?" hindi ako mapakali sa pwesto ko. Ngumiti naman siya bigla.

"Nagpapahinga ang lahat. Andito kayo sa Ospital ni gabriel kung saan dati mo dinala ang kaibigan mong namayapa na." dahil sa sinabi ni Aries bigla kong naalala si khysler. Ano na bang nangyari sa kaniya? Hindi pa naman ata siya nalilibing. Wala rin atang dumadalaw sa kanya sa libing niya.

"Si khysler, may alam ka ba sa nangyari sa kaniya? Nilibing na ba siya ni gabriel?" tanong ko kay Aries. Pero umiling lang siya.

Ano na bang nangyari kay khysler? Hindi pa naman siya dadalawin ng magulang niya.

"Sxiela." naagaw ni Aries ang atensyon ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Umupo siya kaharap ko.

"Alam kong wala sa timing ang pagsabi nila sayo, pero tanggap mo ba na kapatid mo si gabriel? " bigla niyang tanong. Napatigil ako dahil sa tanong na yon.

Tanggap ko nga ba? Pareho sinisigaw ng utak at puso ko na hindi. Hindi ko siya tanggap bilang kapatid ko at lalo nang hindi ko tanggap na tatay ko ang lalaking iyon.

"Hindi." nakayuko kong saad. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Pakinggan mo ang side ni gabriel, may dahilan siya kung bakit nilagay niya sa peligro ang buhay mo. Baka sakaling magbago ang isip mo." hindi ko siya kinibo.

"Natatandaan mo pa ba yung kinwento ko sayo nong tinulungan ko kayo sa building na yon?" bigla niyang tanong sakin

'Alam mo naaawa ako sa anak niyang lalaki. Dahil pinanganak siya na hindi niya kilala ang ama niya dahil tinago yun ng ina niya. Sa panahong isinilang kasi siya may kasintahan noon ang boss namin at yun ay ang ina ng babae. Nang malaman ng boss namin na may anak siya sa dating kasintahan niya iniwan niya ang kasintahan niya at pinanagutan ang dati niyang kasintahan. Kaso hindi alam ni boss na buntis ang kasintahan niya. Ipinakasal sa ibang lalaki ang kasintahan ni sir.At ng malaman ni boss na may anak siya sa kasintahan niya. Gusto niya kunin ang bata pero hindi niya ginawa dahil alam niyang may masasaktan siya. Lumaki ang 2 iyon at ngayon ay nagtagpo ang 2 magkapatid.'

Nagtagpo nga kaming dalawa. So ang tinutukoy niyang noon ay ako at si gabriel.

"Nalaman ni gabriel na may kapatid siyang babae sa ama niya. Imbis na kamuhian niya iyon, mas gusto niya pa makita ang kapatid niyang babae. Gusto ko sabihin sayo ang lahat lahat pero hindi pwede dahil wala ako sa katayuan para sabihin iyon. Wala akong karapatan. Sana napag konekto mo na ang lahat sxiela. Dahil nasabi na sayo ang matagal na sikreto ni gabriel na kahit kailan ay ayaw niyang sabihin sayo. Aalis muna ako titignan ko muna kung gising na siya, bibili na rin ako ng makakain ninyong lahat dahil ako lang naman ang pwedeng kumilos kilos." pagtapos niya sabihin iyon lumabas na siya sa kwartong ito.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon