~~CHAPTER 16~~

17 2 0
                                    

SXIELA P.O.V

Hindi ko matulungan sila precious dahil sa babaeng kalaban ko, gusto ko iwanan tong babaeng to pero mamamatay naman si khysler.

Pilit kong pinapatamaan yung mukha at tagiliran niya pero magaling siyang umilag kaya hindi ko matamatamaan. Samantalang kanina pa ako nabubugbog dito.

 "ARRGHH!" napadaing ako ng may sumipa sa binti ko, napadapa agad ako sa sahig. Pagtingin ko sa likod ko isang babaeng naka itim din pero may pagkakaiba sila ng babaeng kinakalaban ko. Hindi ko alam kung saan siya galing.

Pilit na tumayo ako mula sa pagkakadapa. Tumingin ako kila precious. Hinahanap ko si alice pero hindi ko siya makita.

Shittt anong nangyari sa kaniya. I-ika ika akong tumayo. Pagkatayo ko sabay silang dalawang sumugod sakin. Shitt. Napagulong ako sa sahig na wala sa oras.

Ah! Ang sakit ng likod ko. Tumayo agad ako. Sumugod yung isa sakin. Kaya sinipa ko rin siya sa paa, eto yung sumasali samin. Kaso nakailag siya pero hindi nagtatapos yun pagkailag niya shaka ko siya sinapak sa mukha. Natanggal yung mask niya, pero hindi ko makita yung mukha niya dahil nahaharangan ng buhok niya. Lumapit sakin yung kaninang kalaban ko. Pilit siyang sumasapak pero pilit din akong umiiwas. Tumakbo yung babaeng sinapak ko. Kaya tumakbo din yung kalaban ko patin na rin yung tatlong kinakalaban nila precious.

Hahabulin ko sana sila pero biglang kumirot yung paa ko, kaya pinabayaan ko na lang sila.

"SXIELA !!" narinig ko yung sigaw nila precious papalapit sakin. Hindi na ako nag abalang lumingon pa sa kanila.

Naramdaman ko na agad yung kamay nila sa balikat ko.

"Malala ba yung pagkakatama sa paa mo?" tanong agad ni kristine pero umiling ako.

 "Ok lang ako, kailangan lang ng konting pahinga. Asan si alice." pagtatanong ko agad sa kanila.

"Umakyat siya sa taas, hindi namin alam kung bakit." sagot ni reib

"Hanapin niyo si khysler." -ako.

Nagtaka naman yung mukha nilang tatlo.

"Sino yun?" pagtatanong ni precious.

"Yung tumawag sa inyo. Hanapin niyo siya agad bago siya ang mahanap ng mga yon." saad ko agad sa kanila.

"Paano ka?" -kristine

"Ayos lang ako, magpapahinga muna ako dito." saad ko sa kanila. Mukhang nakumbinsi ko sila kaya umalis na sila.

Hinilot hilot ko yung paa at binti ko. Sino ba yung mga babaeng yun? At bakit gusto nila patayin si khysler?

Nakarinig ako bigla ng yapak ng paa pababa kaya tumingin ako sa hagdan. Inaabangan ko yung bababa, baka kasi bigla siyang umatake. Bumaba na ng tuluyan yung bumababa, nakahinga ako ng maluwag ng si alice ang bumaba.

Mukhang hinahanap niya yung mga babae o kaya sila kristine. Nakita niya ako kaya lumapit siya sakin.

"Asan na yung iba?" tanong niya agad sakin.

"May pinagawa ako sa kanila. Saan ka nagpunta?" tanong ko agad sa kaniya.

"Pumunta ako ng guidance, may tinignan at dinelete lang ako cctv, at may kailangan kang makita sa videong iyon magugulat ka talaga." - alice.

Dumating na sila precious at dala nila si khysler.

"Saan ka naglusot?" tanong ko kay khysler.

"Doon sa CR ng boys." sagot naman niya sakin.

"Hinanap ka ba nila?" pagtatanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon