~~CHAPTER 32~~

15 2 0
                                    


SXIELA P.O.V

Kasalukuyang ginagamot yung daplis sa binti ko. Nasa ospital ako na pag ma-may ari nitong assasin na to. Dito sila nagpapagamot lagi. Pa sekreto kasi itong ospital na to. Pero legal naman ang mga doctor.

"Aahhhhhh!!!!" rinig kong sigaw ni khysler. Kanina pa sigaw ng sigaw yan. Ginagamot kasi siya ng tatlong doctor.

Nang matapos ako gamutin lumapit agad ako kay khysler na kasalukuyang ginagamot. Asaan kaya sila Sian at Gabriel? Nang makalapit ako sa kaniya. Tinignan ko lang yung kalagayan niya. Nakapikit siya ng mariin at may panyo rin siya sa bibig para sa tuwing sisigaw siya hindi ganon kalakas.

Biglang lumingon sakin yung isang doctor na gumagamot kay khysler.

"Miss, pwede bang tulungan mo kami. Hahawakan mo lang siya ng sa ganon ay hindi siya ganon kagalaw. Ang likot kasi." saad saakin ng doctor. Tinanguan ko naman siya.

Umupo ako sa tabi ni khysler at hinawakan yung kamay niya. Bigla siyang nagmulat ng mata at tumingin saakin na may pagtataka.

"Nagrereklamo yung mga doctor mo, ang likot mo daw kasi. Hahawakan ko lang tong kamay mong malikot." saad ko naman. Napahigpit siya bigla sa kamay ko ng may ilagay na gamot sa mga sugat niya. Napapikit rin siya ng mariin at napasigaw na naman. Atlis nabawasan yung pagiging malikot niya ng hawakan ko yung kamay niya.

Natapos na rin yung paggamot ng doctor kay khysler at nakatulog ito bigla. Niyuko ko yung ulo ko sa higaan niya. Parang gusto ko rin matulog. Ang hirap kaya hawakan nitong si khysler. Unti unting pumikit yung mata ko hanggang sa nakatulog na ako.

Nang minulat ko ulit yung mata ko. Nasa kwarto pa rin ako ni khysler kaso wala siya. Maaliwalas din yung paligid, asan na ba ang mga tao dito?

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko ng may bumangon sa higaan, alam ko walang tao dito, ah?? Teka, hindi naman si khysler to ah!

"Oh, kamusta ka na?" bigla niyang tanong saakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Kilala ko ba to? Hindi nga pamilyar yung mukha niya, tapos kakamustahin niya ako?

"Ayt, Oo nga pala. Ako to, Si Carl Austin Castillo, yung anak ng may ari ng school na pinapasukan mo, at yung ni-research mo dati.. Hindi mo parin ba ako nakikilala?" nanlaki yung mata ko.

Sa pagkakaalam ko patay na siya. Ano naman ginagawa niya rito??

"Diba patay ka? Ano naman ang ginagawa mo rito?" pagtatanong ko agad. Tumango naman siya.

"Yeah, patay na ako. Pero syempre may inaantay lang ako." saad niya. Nanlaki yung mata ko. Don't tell me na ako yung inaantay niya? "Huwag ka magalala hindi ikaw yon." saad niya ng makita ang naging reaction ko. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Aisst bakit pa kasi ang manhid nong babaeng yon?" saad niya at nahiga ulit sa higaan habang naka nguso.

"At sino naman ang tinutukoy mo?"

"Edi yung pumatay sakin." nagtaka ako ng sabihin niya yon.

"Oo na, binully ko siya dahil gusto ko siya. Siya naman tong manhid, pinatay ba naman kamo ako!! Ayan tuloy hindi ko na siya makakasama!"may halong pagtatampo yung sinabi niya

"Teka sino nga ba yung binully mo? Na sinasabi mong gusto mo?" pagtatanong ko sa kaniya.

Sinabi na saakin ni cloud yun, eh. Nakalimutan ko lang.

"Trabaho mo yon para malaman mo. Hay nakuu bakit kasi sayo pa ako pumunta dapat sa iba na lang eh." saad niya at biglang umalis sa higaan at naglakad palayo.

THE NERD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon