Chapter 1

3.9K 64 2
                                    

Her POV


Maingay, nagtatawanan, nagkakantahan at nagkakasiyahan. 'Yan ang nangyayari ngayon sa bahay namin. Ika-apat na kaarawan ng kapatid kong bunsong babae pero mukhang hindi 'yun ang isini-celebrate namin ngayon. Dahil imbes na para sa pamilya, bakit wala ako doon?


Nanatili akong tahimik sa bahay. Ganito naman palagi kapag may okasyon na nagaganap. Sila, nag-kakasiyahan. Samantalang ako nandito lang sa loob ng bahay at nag-lilinis ng mga gamit na ginamit nila. Hindi ko naman kasi alam kung pwede bang tumanggi sa pamilya na meron ako? Parang hindi kasi pwede. Parang bawal lahat. Wala akong karapatan sa lahat.


Simula nung bata pa ako hindi ko nakuha 'yung kalayaang maging masaya kagaya ng iba. Kaya siguro ang big deal din sa akin ngumiti. Hindi ako basta-basta ngumingiti sa ibang tao. Depende nalang kung kailangan. Ewan ko ba. I find it weird. Ngumingiti ka pero hindi ka naman talaga masaya.


Siguro napapatanong na 'rin kayo kung bakit ganito ako.


Ang sagot? According to Psychology, all of it started from your experiences. Kapag masama ang experiences noong bata ka, possible na maging gano'n 'rin kapag tumanda ka. Pero depende pa 'rin talaga sa tao kung paano mo ibu-view 'yung gano'ng perspective. Kung magbabago ka ba o hindi. Pero alam niyo ba, nagbabago lang naman ang isang tao dahil sa ibang tao. Kapag walang reason, gano'n ka lang. Hanggang doon ka nalang.



Kaya ngayon hindi ko 'rin alam kung anong paraan pa ba ang gagawin ko hanapin lang 'yung tama sa mga nangyayaring mali sa buhay ko. Nawawalan na 'rin ako ng pag-asa na mababago pa 'yun.


Dahil kahit hindi ko man sabihin, nasasaktan ako. Hindi nila nakikita 'yung tamang ginagawa ko dahil palagi silang nakatingin sa mali. Sa dinami-dami ng nagawa ko, kahit isa doon wala akong nakuhang ngiti. Wala kahit isa.


Napagod na 'rin ako mag-expect.


Dahil ako naman palagi ang mali...


Ako naman palagi ang may hindi tamang ginawa...


Ako palagi ang may nakukuhang masamang salita na alam ko.....habang buhay kong iisipin dahil unti-unti na 'rin akong naniniwala na tama naman 'yun.


Ang totoo niyan, minsan gusto kong magsalita. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero para saan? Para saan pa kung mas gugulo lang naman? Kaya nanahimik nalang ako. 'Yun ang naging sandalan ko. Katahimikan.


Oo, aaminin ko na may kinikimkim talaga akong galit sa pamilya ko dahil may favoritism sila. Si Papa paborito ang panganay at ang ika-apat. Samantalang si Mama paborito ang Ikalawa at bunso. Nagtataka kayo kung bakit wala ang ikatlo? Dahil ako 'yun. Masakit man isipin pero nakakasanayan ko na 'rin....na walang may gusto sa akin sa tahanan na ito.


I am an achiever. Palagi akong with honors kasi I find peace sa pag-aaral. 'Yun din minsan ang tinatakbuhan ko kapag masiyadong magulo ang isipan ko at masiyadong mabigat ang dibdib ko.


Pero sa tuwing may inuuwi akong awards o certificate na galing sa school? Wala lang. Parang wala lang. Parang hindi ako napagod doon, parang madali lang naman na makuha ang mga 'yun at hindi na kailangan pang ipakita sa kanila.


Kaya naman ang ginagawa ko? Ako na mismo ang nagtatago ng mga awards ko. Tutal wala naman nakaka-appreciate ng ginagawa ko, ako nalang. Sarili ko nalang. Dahil wala naman tayong ibang tatakbuhan kundi ang mga sarili natin.


Iniisip kong lumayas nalang pero wala akong mapupuntahan. Wala 'rin akong matatawag na kaibigan dahil kapag may ganitong sitwasyon, hindi ko sila maasahan. Kaibigan ko sila, oo. Pero hindi nila ako kaibigan. Ganiyan ang mundo ko, mundong umiikot sa mga taong paulit-ulit akong sinasaktan.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon