Her POV
Tumayo kaming lahat para bumati sa kanila na ngumiti naman agad sa amin. Bago sa akin na makakita ng mga ganitong tao sa harapan ko. I mean, hindi mo naman basta-basta makikita sa personal ang mayor sa lugar niyo. Bihira lang sila makita.
Nagkatinginan pa kami ni Wendy nang umupo siya sa tabi ko. Nagbalik nalang ako ng atensiyon sa harapan nang makitang tumango si Kenn sa daddy niya kaya napangiti si Mayor. Anong ibig sabihin ng mga kilos nilang 'yun?
"Sana dito siya pumasok 'no?"
"Oo nga. Para naman sipagin ako mag-aral. Wala akong makuhang inspirasyon sa room na 'to."
"Tama naman. Masaya 'rin 'yung araw-araw kang nakakakita ng gwapo sa room ninyo. Lalo na kung si Gaze pa."
"Iba din talaga ang itsura niya 'no? Kaya may mga nai-issue na artista na nagkakagusto sa kaniya."
Tama kayo ng narinig. May mga nagkakagusto talaga sa kaniyang artista. Alam ko nga sumubok din siya sa entertainment industry kaso kinailangan niyang pumunta sa ibang bansa kaya natigil.
Napabuntong-hininga nalang ako at bahagyang kinuha ang cellphone sa ilalim ng desk ko. Nasa dulo naman ang upuan ko kaya hindi ako mapapansin kung magbabasa ako, hindi ba? Maganda daw kasi 'yung story na binabasa ni Wendy at ipinapabasa niya sa akin kanina. Sisimulan ko nalang 'yun kesa maghintay sa sasabihin ng mga nasa harapan ko
Ang totoo niyan, marami talaga akong natutunan sa pagbabasa ng mga fiction stories. Minsan nga naisip ko kung papasa ba ang istorya ko sa mga gano'ng bagay? Tutal sobra-sobra naman na 'yung nangyayari sa buhay ko at hindi na talaga makatotohanan.
Pero wala eh. Nasa reyalidad ako at kailangan kong harapin 'yung mga problema kasi wala naman ako sa mundo ng gano'n kung saan may perfect na pamilya, may perfect na mga kaibigan at masaya sa buhay kahit marami kang problema. Doon may happy ending pero sa mundo natin walang happy ending. Happy ending na pinapaniwalaan ng napakaraming tao. Hindi lang sa Pilipinas kundi pati na 'rin sa ibang bansa. Nagsimula sa mga fairytale na talaga namang tinutukan hanggang sa mga libro at iba pa.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko na 'yun pinansin pa at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. Unang chapter palang kasi ay naka-relate na ako.
Ano daw sabi? Don't run to water when your life sucks? Anong ibig sabihin nun?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang mabasa ang problema ng bidang babae. May similarity sa buhay ko. Gusto kong maiyak kasi napapatanong na naman ako.
Bakit ba kasi sa tuwing may nangyayaring masama ako palagi ang may kasalanan? Bakit ako? Wala naman akong ibang ginusto kundi maging maayos ang lahat ah. Pero bakit??
"Wendy, sabihan mo ako kapag nandyan na si Ma'am ha." Mahina kong sabi kay Wendy dahil nakukuha na ng binabasa ko ang loob ko. Baka sa sobrang pagbabasa ay hindi ko na mamalayan ang mga nangyayari dito.
"Busy naman sila sa pakikipag-usap kay Daddy so take your time and don't pressure yourself." Napakunot agad ang noo ko nang marinig ang boses na 'yun. Bumilis 'rin ang tibok ng puso ko.
Imposible naman siguro??
Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang anak ni Mayor sa tabi ko!! Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko sa gulat!! Hindi ako makapaniwala na nasa tabi ko siya!! Bakit siya nasa tabi ko???!
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
Chick-LitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...