Chapter 51

1.2K 26 1
                                    

Cloe's POV


Pinunasan ko agad ang luha ko nang makaalis ako sa lugar na 'yun. Nasasaktan ako dahil hindi ko naman ginustong isumbat sa kaniya 'yun pero pinangunahan ako ng galit ko.


Iba talaga ang nagagawa ng galit sa isang tao.


Naglakad na ako papunta sa main building para maghintay sa isang coffee shop na malapit dito sa Maryland habang hinihintay na dumating si Kuya nang mapatigil ako sa taong nakatayo doon sa gate.


"Lay," kita ko ang paglingon niya sa akin at ang bahagyang pagngiti niya. But his eyes speaks something different. He's hurting.


"Ate,"


"Hey," lumapit na ako sa kaniya at tinitigan ang mukha niya. It's been weeks simula nung huli ko siyang nakita. "May kailangan ka ba?" Gusto kong sabihin sa kanila. Gustong-gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Parang hindi ko kayang gawin dahil babalik lang ulit lahat ng sakit once na sinabi ko sa kaniya na nandito na ako sa harapan niya. Nandito na ulit ako.


"Pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya na ikinatango ko naman agad.


"Oo naman. Tara." Gusto ko 'rin siyang makasama ngayon dahil nai-stress ako sa mga nakikita ko. These past few days talaga sinubukan kong alisin ang mga ala-ala na bumalik sa isipan ko which is naalis naman dahil kila mommy pero ngayong nakita ko sila mismo, bumalik na naman ang bigat. Bumalik na naman ang sakit.


Mabuti nalang at dumating si Lay. Hindi ako galit sa kanila dahil sa ibang parte ay naiintindihan ko sila. Isa pa, isa din si Lay sa mga taong naniwala sa akin to the point na gusto niya rin akong samahan papaalis dahil alam niya ang posibleng gawin ko.


"Is this a new car?" Nagugulat na tanong ko nang tuluyang makapasok dito sa loob.


"Ah yeah. Binili ko. It's nice, right?"


"Yeah. Ang ganda ng taste mo ha." It's color red which is maganda talaga. Literal. Saan naman kaya galing ang pera ng isang 'to kasi kulang ang ibinigay ko para makabili siya ng ganito. Don't tell me nagtatrabaho na naman siya??


Nanahimik nalang ako at tumingin sa labas nang maalala ang emosyon na ipinakita ni Kenn sa akin kanina. Alam na niya. Alam na niya na ako si Kyla. Hindi naman na nakakagulat 'yun dahil matalino siya.


Bahala na. As much as possible, ayokong isipin si Kenn.


Napamaang ako nang tumigil ang sasakyan sa isang park. Maganda ang sikat ng araw ngayon at ang dami ding tao dito. May mga nagtitinda ng balloons and even foods. Aaackk! Namiss ko ang lugar na ito.


"Anong gagawin mo dito?" Naguguluhan na tanong ko dahil hindi na kami bata ni Lay para maglaro pa dito. Dati kasi kapag sabay kaming umuuwi, dito kami naglalaro kasama si Ate Ses tapos kapag napagod, bibili ng mga street foods at magkukwentuhan.


"Playing, I guess." Nakangisi niyang sabi na ikinangiti ko na 'rin dahil gusto ko din talaga.


Nagrent kami ni Lay ng dalawang bike dahil gusto niyang magrace. Alam kong delikado pero challenge kasi 'yun kaya iga-grab ko na.


"Kung sinong mananalo, manlilibre ha."


"Lahat ba ng pagkain na nandito?" Tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya naman.


"Oo." Waaahhh. Nauna na siyang magbike! Ang daya talaga ng isang 'to!


Sumunod naman ako sa kaniya at hindi ko maiwasang hindi matawa dahil ang ganda talaga ng timing ngayon. Maganda ang panahon at ang saya-saya ko. Madalas din naman kaming magbike ni Peter sa Korea every morning bago pumasok sa duty pero nakakaumay siyang kasama kasi pagkatapos namin magbike, bigla siyang magyayaya magmeat so balewala din talaga.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon