Her POV
6:00 am na ako pumasok dahil 7:00 am pa naman ang simula ng exam namin ngayon. Hindi ako nagre-review dito sa bahay sa kadahilanang sasabihin lang nila na wala din naman akong natututunan kaya bakit ako magrereview? Nakakawala ng motivation ang gano'n. Alam niyo 'yung feeling na hirap na hirap ka na ngang maghanap ng reason para magpatuloy tapos sasabihin pa sayo 'yun?
Hindi ko na talaga alam.
Pagpasok ko sa room namin ay nakaayos na sa one seat apart ang mga upuan. Dapat lang na hindi nagulo kasi isa ako sa nagpaiwan nung friday para lang mag-ayos dito. Naging maayos kasi 'yung mga sumunod na araw ko dahil umabsent agad ng sunod-sunod na araw si Kenn dahil may awarding siyang kailangan puntahan kasama ang pamilya niya sa ibang bansa. Pabor sa akin na wala siya kasi kinabukasan nung araw na 'yun, pati kabilang section ay inulan ako ng tanong kung anong relationship ko kay Kenn. Ang sinabi ko nalang nakasalubong ko lang isang beses, gano'n. Kahit imposible. Kung nandoon siya, baka hindi ako tigilan ng mga students ng maryland.
Inilabas ko kaagad ang mga reviewer ko nang makita ang ilang classmate ko na kagaya ko ay maaga 'rin pumasok para magreview. Isa ito sa iilang scenario kung bakit kailangan mong maging mabait. May iba-iba naman kasing reason ang mga tao sa iisang activities. For sure meron dito sa mga kaklase kong nandito na may problema din sa bahay nila kaya ginustong dito magreview.
Napansin ko pa ang frustrated na paggulo ng isang kaklase ko sa buhok niya. Ang totoo niyan, hindi ko na 'rin talaga gusto ang takbo ng edukasyon sa panahon ngayon. Ginagawa nilang robot ang mga estudyante. Wala ng oras para makapag-pahinga o magkaroon ng oras para sa sarili nila. 'Yung sabado at linggo na tinatawag na weekend ay nawawala na dahil para lang kaming nag-aaral sa dami ng gawain sa school na kailangan naming ipasa. Kaya 'yung iba talagang student hindi maiiwasang hindi mag-suicide. Tumataas na ang bilang ng mga estudyante na nagpapakamatay dahil dito.
Hindi ko naman isinisisi lahat sa edukasyon kasi may maganda pa 'rin namang dulot ito. Pero sana hindi nila tambakan ng activities ang mga students. Hindi din naman porket madali sa kanila, madali na 'rin sa students. May kaniya-kaniya kasi tayong learning ability sa isang gawain. 'Yung iba ay mabilis nakakagawa samantalang 'yung iba naman ay hirap talaga. Ang kailangan nalang talaga nila ay magkaroon ng kahit konting oras para sa sarili nila.
Napailing nalang ako at binuksan na ang notebook ko. Medyo nadalian nalang ako dahil parang pinapaalala ko nalang ulit 'yung lesson. Kapag alam mo naman kasi tapos short term memory ka, konting information lang na mabasa mo about doon, nalalaman mo na. Kailangan lang talagang ipaalala ulit.
"Kyla, may naghahanap sayo sa labas." Sabi ni Kel na nakapagpakunot ng noo ko. Medyo marami na ang student ngayon at nakakailan na subject na 'rin ako.
"Sino naman ang maghahanap sa akin?" Bulong ko sa sarili ko at isinara muna ang notebook ko bago naglakad papunta sa pintuan kung saan ko nakita si Jaica.
"Kyla, hello! May reviewer ka sa Philippine History?" Tanong niya sa akin. Nasa kabilang section kasi siya. As in katabi lang ng room namin. Iisa din naman ang strand namin kaya pareho talaga ng exam.
"Wala na eh. Nagpasa kasi ako kahapon ng notebook kay Ma'am. Hindi ba ipinasa 'yun? Teka, wag mo sabihin sa akin na hindi ka pa nakakapagpasa?" Gulat na tanong ko dahil parang imposible naman 'yun. Matalino si Jaica at masipag. Isa pa, responsable siya pagdating sa pag-aaral at isa 'yun sa reason kaya ipinagmamalaki ko talaga siya.
Pero nitong mga nakaraang araw kasi may nagugustuhan siya sa Technical Drafting na student. Ayoko doon sa lalaking 'yun sa kadahilanang niloko nun si Pam. As in, niloko niya. Ginamit niya pa ang religion niya para lang patigilin si Pam na hindi ko ma-gets kung paano niya nasikmurang gawin. Like, ikaw ang nanligaw doon sa tao. Ikaw ang nanggulo sa tahimik niyang buhay, tapos nakakita ka lang ng isa pang magandang babae, binitawan mo na agad. Sinaktan mo na siya agad.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...