Her POV
Ilang araw ang lumipas at halos gusto ko ng isumpa ang taong katabi ko sa sobrang ingay niya. Nung isang araw ay napagalitan kaming dalawa dahil nagkukwento si Andrei sa akin nung mga kalokohan niya sa buhay niya. Hinahayaan ko nalang. Doon naman kasi siya masaya kaso naapektuhan talaga ang performance ko.
"Oh." abot sa akin ng papel ni Andrei kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. Kita na kasing nagsusulat ako tapos ibinigay niya pa 'yun sa paraan na matatakpan ang mata ko para hindi ko makita ang nasa harapan.
"Ano ba. Tss. Anong gagawin ko dito?" Kunot-noong tanong ko habang hawak-hawak ang isang piraso na yellow pad na ibinigay niya sa akin.
"Nag-FLAMES ako. Friends lumabas sa inyo ni Gaze pero Marriage sa atin. Pfft."
"Baliw ka ba??" Nagugulat na tanong ko dahil narinig din ni Kenn 'yun kaya lumingon siya sa amin. Kaya naman pala nanahimik itong si Andrei dahil nag-FLAMES nga siya! Saan niya nalaman ang ganitong klaseng gawain??? At isa pa, hindi bagay sa personality ni Andrei na mag-FLAMES.
"Oo. Everyone's busy. Even Gaze. Kaso kagaya nung mga nakaraang araw, whenever I say a word to you, palagi siyang nagbibigay ng attention. That's so not like him."
"Alam mo, instead of doing something crazy. Why don't you study properly?" Masungit na sabat ni Kenn kaya pati si Mika ay napatingin sa amin. Akala ko nga ay maapektuhan nun si Andrei dahil since then, hindi talaga sila nag-usap ni Mika pero ngayon, hindi man lang siya nailang or what.
"I am studying. Alam mo at alam ko na mas may alam ako sa mga lessons, Gaze. I can even tell you the whole thing that the professor said a while ago." Nakangising sabi niya. Yeah. Matalino si Andrei. Mabilis gumana ang brain niya. Kung matalino si Kenn, mas matalino ang isang 'to. Puro kalokohan lang talaga.
"Do I really have to deal with you everyday, Timothy?"
"Uh, kasalanan ko bang pinapansin mo ako?"
"Are you crazy?? Malamang papansinin kita dahil palagi mong dinadamay ang pangalan ko. What do you want me to do? Ignore and pretend that I didn't here my name?" Natawa naman agad si Andrei sa reklamo ni Kenn.
"You're funny. Mostly naman kapag pangalan mo dati ang sinasabi ko, wala lang sayo. Maybe it's not really your name kung bakit mo ako binibigyan ng pansin ngayon. Wag na nga tayo maglokohan. Alam ko kung anong nararamdaman mo ngayon." Napakunot agad ang noo ko sa sinabi ni Andrei. Magsasalita pa nga sana si Kenn nang biglang may pumasok na student kasama ang isang prof namin.
"Hello! I'm from Student Council and I have an announcement for all of you."
"Listen, students! This is very important." Sabi naman nung professor kaya nagseryoso agad ang lahat. Nakakapagtaka lang dahil biglang nagseryoso din 'yung dalawa. After talaga ng incident nung ipinatawag silang dalawa, naging mabait na silang dalawa. Gusto kong matawa doon.
"I received the approval of our dean to allow us to have a field trip for two days and one night." nakangiting sabi nung President ng student council kaya lahat kami nagulat. May mga nagsigawan pa.
"OH MY GOD!! TOTOO BA???!"
"WAAAHHHH!! NAKAKA-EXCITE NAMAN!! AKALA KO HINDI TAYO PINAYAGAN!!"
"OO NGA PERO CAN'T WAIT NAAAA."
Napabuntong hininga nalang ako sa mga narinig ko at nag-sana all. Mukhang hindi naman kasi ako makakasama. Una, wala kaming pera para makasama ako doon. Hindi naman ako bibigyan ni Mama. Sasabihin pa nun nagsasayang lang ako ng pera eh wala naman akong dulot sa pamilya namin. Ayokong may madagdag na naman na masamang salita. Tama na muna 'yung mga natanggap ko.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...