Chapter 32

1.4K 25 1
                                    

Cloe's POV


Kita ko ang unti-unti niyang pagtigil sa pagkain at seryoso lang akong tiningnan. Kahit sa mga paraan ng pagtingin niya ay nagdududa ako. Hindi na talaga maganda 'to.


Paano kung bumalik nalang ako sa korea? Nandoon din naman ang mga kaibigan ko. Isa pa, I'm familiar with things in there. Unlike dito, kailangan ko pang mangapa sa mga kilos ng mga tao. Hindi ako pamilyar sa kanila.


"Wala akong itinatago sayo." Diretsong sabi niya na ikinangiti ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niyang 'yun. I knew it. Hindi magtatago ng secrets sa akin si Kuya. That's impossible. Kuya will never do that to m——"Pero kung ang pagsisinungaling ko sayo 'yung magagawa ko para makaiwas ka sa sakit, gagawin ko."


"Kuya,"


"Naiintindihan mo ba ako?"


Ayos na 'yun. At least alam ko na ang reason niya. Hindi ko na kailangan magalit or what. Pero duda din talaga ako dito. May times kasi na sa sobrang bigat na ng nararamdaman natin, nakakalimutan na natin kung paano maging considerate. Kumbaga, sarado na ang utak mo sa iisang goal at 'yun ay ang makaganti sa kung ano mang nanakit sayo.


"Tss. Alright. I love you, kuya, always." Malambing kong sabi dahil baka pauwiin na niya ako sa korea dahil sa mga tanong ko.


Desidido na ako. Ako na mismo ang maghahanap ng katotohanan.


"I need you to listen to me, Cloe. Anything."


"Anything?


"Hmm." Sabi niya kaya agad ko siyang pinaningkitan ng mata. Ayan na naman siya sa pagiging strikto niya.


"Alam mo kuya hindi ko alam kung ilang beses ko na bang nasabi sayo 'to——"


"The girlfriend thing na naman?" Nakangiwi niyang sagot na ikinatawa ko.



"Totoo naman kasi! Dapat naghahanap ka na ng girlfriend ngayon palang."


"Why are you so eager to me having a girlfriend?"


"Because I'm sure that you will treat her right. You are amazing, Kuya. Kahit kanino mo pa itanong." Totoo naman kasi. Kuya is amazing. May mga naging ex girlfriend na siya and I can say that he treated them right kaya nga until now is hindi pa siya makalimutan ng iba.


But then, meron kasi talagang tao na para sa atin. Kumbaga, they'll tame us.


"Not now, sis. Mas kailangan kitang bantayan. You're not familiar with your environment."


Hala??


"Kuya, what the hell?? I'm not a child. Nakakapagpalipad na nga ako ng airplane."


"I know, okay? Pero ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso ko maliban kay mommy."


"Ano naman?"


"Kaya dapat expected mo na kung gaano ako magiging kaprotective sayo." Lihim akong napangiti dahil doon sa sinabi niya. Kuya and his values. Iba talaga siya.


"I know and I understand you."


"That's good then." I'm sensitive kasi. Parang simpleng actions lang ng isang tao sa akin, dinadamdam ko na. Ewan ko ba. Meron din akong trust issue na hindi ko naman alam kung saan nagmula. Basta it's just so hard for me to make friends.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon