Chapter 20

1.2K 31 1
                                    

Her POV


Napamaang ako nang dumating na kami sa lugar ng fieldtrip namin. Ang ganda niya!! Omg! Natutuwa ako!!!


Nature ata ang naisip nila dahil nasa isang malaking-malaki kaming bahay tapos sa paligid niya ay puro puno nalang. Medyo naririnig ko nga 'rin ang pag-agos ng tubig sa hindi kalayuan dahil may dagat pala dito. Grabe! Ito ang tinatawag na pahinga talaga!


Pero dahil para daw mas maging masaya at exciting ang fieldtrip, instead of staying in a hotel, naglatag kami ng tent sa labas. Lahat ng students. Even professors. Well, pabor naman siya sa akin since mas okay nga naman talaga ang gano'n. Isa pa, hindi mo 'rin talaga gugustuhin na matulog sa malaking bahay na nasa harapan namin dahil white na white siya. Parang may multo.


Magkasama kami ni Pam sa iisang tent pero may mga kasama 'rin naman kaming ibang students para daw maging mas madali ang communication between us and possible na may mabuong bond. Isa sa kasama namin dito ay si Jaica. Hindi ko alam na kasama pala sila ni Carl. Hindi ko na 'rin kasi siya masyadong nakakausap nitong mga nakaraang araw. Inilalayo talaga siya sa akin ni Carl.


Nagbigay ulit ng ilang paalala sa amin bago kami hinayaan na mag-ayos ng kaniya-kaniya naming mga tent. 'Yung mga kasama ko ay kanya-kanyang takas sa kadahilanang hindi daw sila marunong magtayo ng ganito. Hay nako. Hindi din naman ako marunong pero wala naman na akong magagawa dahil ako nalang talaga ang naiwan. Bumili kasi ng snacks si Pam.


"Paano ba 'to?" Stress na tanong ko sa sarili ko dahil kahit may guide, hindi ko talaga makuha. Inilibot ko pa ang paningin ko para sana magpatulong pero wala akong masabihan dahil lahat sila ay busy. Nakakahiya din naman magtanong.


Napabuntong-hininga nalang ako at ibinalik ang atensyon ko sa pagbuo ng tent dahil ako nalang ang iisip kung paano 'to. Kaya ko naman siguro kaso biglang may humawak sa dulo ng tent namin na nakakuha agad ng atensiyon ko.


"Let me help you." Suhestiyon ni Andrei at sinimulan ng ayusin ang tent namin. Napansin ko agad ang tinginan ng ibang students dito kaya lumapit agad ako kay Andrei at kinuha sa kamay niya 'yung idinidikit na something.


"Ako na dito. Go back there." Kaso inagaw niya naman ulit pabalik.


"May sugat ang braso mo tapos nagtatayo ka pa ng ganito. Are you kidding me?"


"Eh wala naman kasing ibang gagawa." 


"Yeah. That's why I'm here, right?" Masungit na tanong niya sa akin na sinamaan ko ng tingin. Bakit ba ang sungit nito?


"Inaano ba kita?" Bulong ko sa sarili ko pero natawa agad siya dahil narinig niya ata. "Oh, bakit?"


"Nothing. Parang may narinig lang akong bubuyog na nagrereklamo."


"Uh, excuse me? Sino naman 'yun?" Masungit na tanong ko. Ako naman ang magsusungit.


"Ikaw."


"Gusto mo bang saktan kita???"


"Hala! Blackmailing oh! Ipapakulong kita." Nang-aasar na sabi niya kaya hinampas ko agad ang balikat niya na inartehan pa niya. Nakakainis si Andrei!


"Ang sweet niyo naman po! Picture nga!" Bigla akong napatingin sa likuran ko nang may magsalita kaya gano'n din si Andrei. Kaso paglingon namin, biglang nagflash ang camera at napatakip nalang ako sa mata ko dahil doon. "Ayan bagay!"


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon