Chapter 2

2K 42 0
                                    

Her POV


Ngumiti lang ako saglit kay Chel at pumasok na sa loob para ilagay 'yung bag ko. Lumapit pa ako kay Wendy na nakaupo at mukhang nagbabasa na naman ng mga paborito niyang istorya. Nahilig na 'rin ako sa pagbabasa dahil sa kaniya. Nung unang beses na sinabi niya ang reason kung bakit siya nagbabasa ay para makalimutan pansamantala ang mundo, nagtaka ako. Paano mangyayari 'yun? Pero nung sinubukan kong magbasa, naintindihan ko bigla ang ibig niyang sabihin.


"Wendy, hello. Uhm, anong meron ngayon? Bakit ang daming tao sa labas? Wala bang class?" Kunot-noong ko sa kaniya. Siya lang kasi ang nandito sa loob dahil 'yung mga kaklase ko ay nasa labas at mukhang may inaabangan. Nandoon kasi sila lahat sa hallway at nanonood sa ganap sa ibaba. Pang-party pa 'yung music kaya ang ingay talaga.


"Ewan ko ba sa mga 'yan. Pero dadating daw ata kasi 'yung anak ng Mayor na galing sa ibang bansa. Kilala mo 'yun? 'Yung pogi na sikat na sikat sa social media?? 'Yung nafe-feature sa television?" Tanong niya na ikinakunot agad ng noo ko. Pamilyar naman siya sa akin kaso hindi kasi ako masiyadong interesado. I'm not into those things. Pero nababalitaan ko ngang gwapo 'yung anak ni mayor. Isa pa, close daw sa family niya. But I doubt that. Bakit kasi siya ipinadala sa ibang bansa kung nandito naman ang family niya?


"Ano daw gagawin dito? May event ba ang Maryland ngayon? Anniversary?" Takang tanong ko. Madalas kasi may ganitong event kapag anniversary ng Maryland. Minsan pa nga walang pasok whole week puro event lang. Sa sobrang dami ko atang naiisip nakalimutan ko na ang date??


"Baliw! Next next month pa ata ang anniversary!" Natatawa niyang sabi sa akin.


"Eh bakit pupunta dito?"


"Dito daw ata pag-aaralin? Pabor naman para magkaroon ng gwapo dito. Pero alam mo ba fake news daw 'yung sinasabi na close 'yun sa fam niya." Expected ko na 'yun. Halata naman kasi. "Matigas daw kasi ang ulo nun kaya ipinadala na dito sa Pilipinas para mas mabantayan ni Mayor. Puro kalokohan daw ang inaatupag sa ibang bansa. Eh syempre diba hindi maganda tingnan kapag mayor ka tapos 'yung anak mo, gano'n? Nakakasira kaya sa image. Eh foundation pa naman ng anak 'yung parents niya." Napatango nalang ako sa sinabi niya dahil tama naman talaga siya. Sa magulang minsan nagmumula 'yung personality ng bata. May reason naman kasi lahat. May mga pinagmulan. Parang behavior. Paano ba lumalabas ang behavior ng isang tao? Syempre may reason. May pinagmulan.


Umupo na ako sa upuan sa tabi niya dahil magkasunod ang last name naming dalawa. Inalabas ko na 'rin ang laptop ko at nagsimulang gumawa ng research. Kinuha ko na 'rin ang ilang books na nahanap ko last time sa library para may mapagkuhaan ako ng RRL.


Hindi sinasadyang napatingin ako kay Wendy nang mapansin ang pagtitig niya sa akin. Dahan-dahan ko tuloy ibinaba ang hawak kong earphone. "Bakit ganiyan ka makatingin?"


"Hindi ka ba lalabas doon? Nagkakasiyahan sila oh! Nandoon din ang mga kaibigan mo." Turo niya sa labas na tipid ko nalang na ikinangiti.


"Uhm, may kailangan kasi akong tapusin. Siguro mamaya ako lalabas." As much as possible ayokong ipaalam sa kaniya kung ano ba talaga ang relationship ko sa mga kaibigan ko. Baka kasi namis-understand ko lang sa sobrang takot kong mawalan. May gano'n kasi tayong thinking na sa sobrang takot natin sa isang bagay, we tend to misunderstand them kasi natatakot tayo magtanong. Natatakot tayong makuha ang sagot. Syempre baka kasi iba 'yung sagot na makuha natin sa sagot na gusto nating makuha.


Ginawa ko na 'yung research at naghighlight pa ng mga arguments na pwedeng magamit namin. Nahirapan pa ako sa variable pero since medyo kabisado ko naman 'yung research, nadiscover ko na 'rin agad kung ano-ano ang kailangan.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon