Cloe's POV
Isang araw ang lumipas at kahapon since wala naman akong pasok sa Maryland, nagmovie marathon nalang kami nila Lay sa bahay. Si Ate Ses ay maagang umuwi para makahabol sa movie marathon. Nagkaroon din kami ng barbeque party ng dinner. Sa guestroom natulog si Ate Ses at Lay dahil wala din daw si Papa sa bahay at pinuntahan sila Mama sa ibang bansa para sabihin ang mga nangyari.
"Kain tayo mamaya. My treat." Sabi ni Ate Ses na ikinalingon namin ni Lay. Inihatid kasi kami ni Ate Ses dito sa Maryland dahil tinatamad daw magdala ng sasakyan si Lay kaya ayan pati siya ay kasama namin dito since may class din daw siya ngayong araw.
"Hindi nga? Manlilibre ka? Totoo ba 'yan." Natatawang sabi ni Lay kaya tinaasan agad siya ng kilay ni Ate Ses. Konti nalang ay ibubuhos na niya kay Lay ang binili naming mcdo kanina para lang tumigil sa pang-aasar sa kaniya.
"Pigilan mo ako, Cloe. Sasaktan ko 'yan."
"Scary." Sabi ni Lay kaya lalo lang siyang tiningnan ng masama ni Ate Ses.
"Ako Ate Ses, hindi ko sure." sagot ko na ikinakunot ng noo nilang dalawa. "Well, pakiramdam ko kasi may ipapagawa sa amin ngayon since parang narecall ko na tatambakan niya daw kami ng proposals so definitely late ako makakauwi." Nagpapaliwanag na sabi ko.
"That's fine. Maybe next time." Nakangiting sagot ni Ate Ses sa akin. Nagpaalam lang kami ni Lay sa kaniya bago naglakad papunta sa kaniya-kaniya naming building. Binatukan ko pa si Lay dahil kinuha niya ang fries na kinakain ko. Mamaya talaga siya sa akin.
Naglakad na ako papunta sa room ko ngayon at hindi pa sinasadyang makasalubong si Peter na inagawan ko kaagad ng iced coffee na iniinom niya.
"Hoy! Akin 'yan!" Habol niya sa akin at agad inagaw ang kape sa kamay ko.
"Pahingi lang eh!"
"Wala ka namang sinabi." Nagrereklamo na sabi niya at uminom na ulit.
"Para namang nagsasabi ako sayo." Nakangiti kong sabi kaya napangiti na 'rin siya at agad na pinitik ng noo ko bago tumakbo.
Aba.
"Yahh!! Come here! I'll smash you!" Inis na sabi ko at agad na hinabol ang lalaking ito. Ang sakit ng pitik niya! Halatang may galit sa akin!
"OA naman sa smash! Sorry na!"
"Sorry not accepted! Babawi ako!" Inis na sabi ko kaya tumigil na siya sa pagtakbo at bahagyang ipinantay sa akin ang mukha niya.
"I already said sorry! Damn it! Hinaan mo lang ha." Nakasimangot na sabi niya sa akin kaya hinawakan ko na ang ulo niya at bahagyang hinipan ang daliri ko.
"Are you ready?"
"Clo,"
"One, tw——hoy!!!" Inakbayan niya agad ako kaya hinampas ko siya ng malakas kasi hindi ako makahinga! Napaka-siraulo!
"Let go of me Peter Soo! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ibalik kita sa Nami Island!"
"What the hell?! What's with Nami island at palagi mong pinangtatakot sa akin 'yan???" Kunot-noong tanong niya na ikinangisi ko. Pfft. Binitawan niya naman ako at tiningnan ako ng diretso. Hindi pa makapaniwala. "What the hell?? Naalala mo pa 'yun??"
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...