Cloe's POV
Napakunot ang noo ko kay Kenn. Gulat na gulat talaga siya sa nakikita niya.
"Oo. Bakit? May problema ba?" Nakangiwi kong tanong sa kaniya. Kinuha ko pa ang wallet ko sa kamay niya na mukhang hindi naman na niya naramdaman kasi nagugulat talaga siya.
"We met accidentally. Interesting, right?" Nakangiti na tanong ni Ate Ses kay Kenn na napatingin sa akin. "By the way, kumain na ba kayo? If not, sabayan niyo na ako. My treat." Yaya niya na nakakuha na ng atensiyon ko. Bakit ba ang hilig niya manlibre? Mayaman ba 'tong si Ate Ses?
"Even me?" Naniniguradong tanong ko na ikinatawa niya naman agad.
"Oo naman. Isasama lang natin 'tong si Gaze kasi kawawa naman."
"I'm not kawawa." Nakasimangot na sagot naman ng isa. "Did you drive here, Ate Ses?"
"Uh, yeah."
"Send me the location. Susunod nalang ako." Nakangiting sabi ni Kenn at bahagya pa akong tiningnan bago naglakad paalis. Sumunod naman ako kay Ate Ses sa paglalakad doon sa sasakyan niya. Gusto ko na 'rin tuloy magdrive ng sarili kong sasakyan huhu.
"Is it okay? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong ni Ate Ses habang nagdadrive. Hindi ko alam kung saang kainan pa sila pupunta eh ang dami naman sa Maryland.
"Hindi pa naman. Nagsabi ako na may interview akong gagawin ngayon."
"Interview? Saan?" Kunot-noong tanong niya sa akin.
"Sa isang subject namin. Kailangan ko lang ma-interview si Mrs. Mendoza. Nahirapan pa nga akong hanapin si Kenn. He's nowhere to be found." Nakasimangot na sabi ko. Ang tagal ko kasi talagang naghintay kahapon. Wala naman akong number niya dahil una, nakakahiya hingiin at pangalawa, hindi pa naman kami gano'n ka-close para magkaroon ng number ng isa't-isa.
"Oh he's busy kasi. Gaze is graduating na I think sa kaniyang law class."
"Wait. He's a law student??"
"Yeah. Hindi mo ba alam?" Natatawang tanong niya sa akin kaya napailing agad ako.
"Kung law student siya, bakit siya umaattend ng class namin? I mean, that subject is not for law students." Napapaisip na sabi ko pero hindi na nagsalita si Ate Ses. Napaisip tuloy ako doon. Don't tell me nagsasayang lang siya ng oras?
Bahala na siya.
Bahagya kong inayos ang damit ko dahil napapansin na pala ang scar sa braso ko.
"Anong nangyari diyan?" Biglang tanong ni Ate Ses kaya ibinaba ko kaagad ang sleeve ng damit ko.
"Oh ito 'yung naaksidente ako. Nabagsakan daw ng glasses kaya naging ganito ang itsura."
"Nabagsakan?"
"Yeah which is weird kasi mukhang nasunog." Paliwanag ko na ikinatahimik na niya.
Ano kayang nangyari?
Nakarating na kami sa isang restaurant na kaibigan pala ni Ate Ses. Nagsabi daw kasi siya na dito siya pupunta ngayon kaya kahit medyo malayo, pinuntahan na niya. Medyo nauna lang din kami ng ilang minuto ni Ate Ses bago namin nakita ang sasakyan ni Kenn. Unlike kanina, medyo nakangiti na siya ngayon.

BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...