Chapter 7

1.3K 34 1
                                    

Her POV


Lumipas ang dalawang araw at naging maayos naman ang exams namin. Ngayon ay ang labas ng scores ng mga exams and passing ng requirements. Syempre kahit hindi naman ako matalino, kinakabahan pa 'rin ako sa scores ko. Isa pa, panibagong disappointment 'yun. Never ngang umattend si Mama sa mga meetings sa akin eh.


Nag-scan lang ako ng ID sa gate at naglakad na papasok kaso napatigil din agad nang mapansin na nagkalat ang mga student dito sa ibaba. Nagtaasan ang mga balahibo ko. Parang may hindi na namang magandang mangyayari ngayon. Wala mang music or events ngayon pero ramdam ko talaga ang kaba at takot sa hindi ko 'rin maintindihan na dahilan. Nakita ko lang naman ang mga student dito pero kinabahan na ako.


"Hoy! Anong iniisip mo diyan? Nakatulala ka na naman!" Napatingin agad ako kay Kenn na kunot-noong nakatingin sa akin ngayon. Bigla ko tuloy naisip na baka siya ang inaabangan ng mga estudyanteng 'to. Kasi kagaya nung isang araw, ang dami ding nagbigay ng chocolates sa kaniya kahapon kaya ayun, puno ang bag ko. Mabuti nga at hindi na niya binawi sa akin kaya na-stock ko sa ref namin para kainin ng mga kapatid ko.


Hello? Sino ang tumatanggi sa grasya? Tsaka nung tinanong ko siya kung bakit hindi niya ibigay sa iba, ang sabi niya sa akin daw 'yun. Hinayaan ko nalang.


"What? Bakit ganiyan ka makatingin sa akin? Did I do something wrong na naman??" Naguguluhan na tanong niya kaya natawa agad ako sa harapan niya. Takot na takot naman 'to.


"Ang arte mo 'no?" Taas-kilay na tanong ko kaso unti-unti 'ring nawala ang ngiti ko nang mapansin na imbes na awayin niya ako sa pang-aasar ko, tinitigan niya pa ako habang nakangiti siya.


"Ngayon lang kita nakitang ngumiti at tumawa sa harapan ko. And you know what?"


"Ano?"


*dugdug* *dugdug*


Bigla niyang ginulo ang buhok ko! Ano 'yun???!!


"Ano 'yun?! Hoy!" Nauubusan na pasensiya na sigaw ko pero nauna na siyang maglakad sa akin. Halatang sinadya niyang hindi sabihin sa akin.


Muli kong nilingon ang mga student at halata pa 'rin na may hinihintay sila kahit dumaan naman na kami ni Kenn doon. At dahil sa hindi ko pagbibigay ng atensiyon sa harapan ko, hindi ko nakita na tumigil na pala sa paglalakad si Kenn kaya naumpog agad ako sa likuran niya.



"Umamin ka nga sa akin. Ano bang problema? Kanina ka pa may tinitingnan diyan. Ngayon ka lang ba nakakita ng mga students?" Naguguluhan na tanong niya.


"Hindi. Akala ko kasi ikaw ang hinihintay nila. May darating ba? May bisita ba ngayon?" Tanong ko sa kaniya na mas lalo lang ikinakunot ng noo niya at tiningnan din ang mga students sa paligid namin. Ilang minuto niya atang pinagmasdan 'yun hanggang sa hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hilahin ako papaalis doon. Napansin ko pa ang pagtiim ng bagang niya.  "May problema ba?"


"Damn it. Dapat ay naisip kong gagawin niya 'to." Bulong niya sa sarili niya na mas lalo lang nagpagulo sa akin. Ano bang sinasabi niya?


Hindi ko siya maintindihan.


"Aray! Nasasaktan ako, Kenn!" Inis na sabi ko at pinilit na tanggalin ang kamay niya na nakahawak doon. Mukhang nagulat din naman siya sa ginawa niya kaya bibitawan na sana niya 'yun nang biglang may humila sa akin papalayo sa kaniya. Napamaang nalang ako nang bigla akong akbayan ng isang lalaki na hindi ko kilala! Ngayon ko lang siya nakita dito sa Maryland University!


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon