Her POV
Nagsimula na ulit kami sa exam matapos maglunch. Katulad ng kanina mabilis lang natapos 'yung lalaking nasa unahan ko. At ang nakakainis pa diyan! Kinukulit niya ako ng kinukulit na hinahayaan naman ng professor na in charge sa pagbabantay sa amin!!
Nakakainis siya! Hingi kasi siya ng hingi ng chocolate na ibinigay niya sa akin! Sana hindi na niya ibinigay kung siya din naman pala ang uubos!
"Sarap." Tiningnan ko agad siya ng masama nang sabihin niya 'yun habang nakangiti sa akin. Napabuntong-hininga ako at kinuha na ang isa pang box ng chocolate sa bag ko at inis na ibinigay sa kaniya.
"Okay na? Tigilan mo na ako."
"Bakit mo ibinalik 'to sa akin?" Nagtatakang tanong niya habang hawak-hawak 'yung box ng chocolate.
"Para tigilan mo na ako. Hindi ako makapagsagot ng maayos dahil sayo. Hindi mo ba napapansin? O nakalimutan mo? Exam hall 'to. Ikaw lang ang natatanging student ang magulo dito. So please, hayaan mo akong magsagot, okay?" Nauubusan na pasensiya na sabi ko na ikinatahimik niya naman. Akala ko ay mananahimik siya ng tuluyan kaso nagulat ako nang ilahad niya sa harapan ko ang papel niya.
"Kopya ka sa akin."
"Baliw ka ba???" Nagugulat na tanong ko at itinalikod sa akin ang papel niya. Bakit ba siya hinahayaan nung professor?? Dapat sinasaway niya ito!!
"Why? Ano na namang ginawa ko?"
"Gusto mo akong mag-cheat? Imposible kong gawin 'yun. Isa pa, wala akong tiwala sa mga sagot mo. For sure hinulaan mo lang 'yan." seryosong sabi ko na ikinatawa niya naman agad.
"Paano mo naman nasabi na hinulaan ko lang ang exam?"
"Hindi ba halata? Exam na nung pumasok ka. Wala kang alam sa lessons. That's obvious."
Napangisi naman siya sa sinabi ko. "Okay. Let's have a deal."
"Ayoko." Sabi ko kaagad at nagsagot na sa papel na nasa harapan ko kaso tinakpan niya 'yun. "Ano??"
"Let's have a d——"
"Ano nga?" Nauubusan na pasensiya na sabi ko. Ang gulo gulo niya! Nakakainis!
"Kapag nakakuha ako ng perfect score sa lahat ng exam, lend me your time after class. Just one day." Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Iba ang naging dating sa akin nung sinabi niya pero bahala na. Ayokong isipin ng gano'n.
"Gano'n na ba kaboring ang buhay mo at kailangan mo pa ang oras ko?" Taas-kilay na tanong ko na ikinatango niya naman agad.
"Let's just say that." Nakangiti niyang sabi na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Ayoko ng mga ngiti niya. Naiinis ako.
"Eh paano kapag mas mataas ako sayo? Anong kapalit nun?" Taas kilay na tanong ko kaya unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Ano bang gusto mo?"
Gusto ko? Gusto ko ng tahimik na buhay.
"Layuan mo na ako, 'yun ang gusto ko." Diretso kong sabi. Gusto ko na lumayo. Totoo 'yun. Dahil nga kagaya ng sinabi ko, pakiramdam ko gulo lang ang hatid niya sa buhay ko. Masiyado na ngang magulo ang buhay ko, dadagdagan niya pa. Hindi ko na makakayanan 'yun.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...