3 YEARS LATER
Cloe's POV
I smiled when the cold wind touched my skin after kong makalabas sa sasakyan ko.
"It's cold." Nilalamig kong sabi at bahagyang niyakap ang sarili ko. Tiningnan ko pa ang mga body guards namin na nagbababa ng mga gamit ko.
I am now the CEO of our company. Last year ko lang nakuha since I need to handle some things and of course, I need to have an experience so I remained patient. Luckily, nakuha ko na rin naman siya. I cried pa nga that time but then there are people around me who never forget to remind me that I deserved it all.
Last month, my mom and my dad decided to have a little vacation in the Philippines so they are enjoying there right now with my brother na pumunta doon last week. They will go to Palawan daw and Cebu to find for sure, business. But mostly naman ay mag-e-enjoy sila.
Well, why not, right? Philippines is an amazing country.
Actually, naminiss ko na 'rin talaga ang Pilipinas. It's been what? 3 years? Ang tagal na rin talaga nung huli akong pumunta.
And 'yung tungkol sa akin? Masaya ako kasi naibalik ko na 'yung ako ng wala sila sa buhay ko. Masaya na ako.
Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa lahat. Hmm, kay Andrei pala. I messaged him. And he says na he will visit me here in Korea na ginagawa niya naman every year. May nakakagulat ngang balita tungkol sa kaniya eh pfft.
Pero alam niyo kung ano ang pinaka-natutunan ko? 'Yun ay ang mahalin mo ang sarili mo higit sa lahat. Kasi sayo nagmumula lahat. Kung hindi mo mahal ang sarili mo, paano ka magmamahal ng iba?
Wala sa sarili akong napangiti nang makita ang invitation na hawak ko. Ang reason kung bakit ako babalik sa Pilipinas.
Peter and Pam are getting married!!!
Yeah?? They ended up together. Pfft.
Naghintay lang ako ng ilang oras bago ko narinig ang anunsyo na nakarating na ako. Isinuot ko na rin ang sungglassess ko bago naglakad papalabas ng eroplano.
Hila-hila ang baggage ko papalabas ng airport at balak na sana talagang umalis nang mapatigil ako sa nakitang news sa napakaling flat screen tv sa waiting area.
He's a popular lawyer now. Actually, he is the best lawyer. He owned a firm na nga eh which I heard sobrang successful daw kaya ayan may fans na siya. Pfft. Nafe-feature na nga siya sa television eh and well, he is a model. Balita ko nasa Korea siya last year. Kaso hindi na rin ako nag-abala pang puntahan si Kenn doon kahit curious na curious ako. Some of my friends has a crush on him kasi. See? Gano'n siya kagwapo.
But what?? He's getting married???
Ikakasal na si Kenn. Wow. Congrats.
Hindi ko na tinapos pa ang balita kahit hindi ko nakita 'yung babaeng papakasalan niya. For sure naman, align din sa work niya or interest 'yun.
Wala na kasi talaga akong balita sa kaniya but seeing the news, mukhang masaya na siya.
Buti pa siya.
"Cloe!" Napatingin agad ako kay Ate at Kuya Jacob na kinawayan ako habang nakatayo sa gilid ng isang sasakyan.
Hindi ko ba nasabi sa inyo? Sila na. Pfft.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...