Chapter 37

1.2K 25 4
                                    

Cloe's POV


Masama ang loob ko nang pumasok ako sa Maryland University. May sarili na akong sasakyan na matagal ko ng hinihiling but not in this way. Nalulungkot ako. Hindi man lang talaga ako kinakausap ni Kuya kahit nagmessage na ako sa kaniya.


Ang pangit na tuloy ng araw ko.


Isa lang ang klase ko ngayon kaya hindi ko alam kung after ba ng unang class ko ay uuwi na ako o maghahanap muna ng lugar na pwede kong puntahan. Bahala na n——


"Wait!" Napatingin agad ako sa lalaking hinabol talaga ako sa paglalakad kaya tinaasan ko kaagad siya ng kilay. "What the hell, Clo! What are you doing here????!" Nagugulat na tanong niya sa akin.


Peter Soo.


Tss. Ang bestfriend ko na matagal na akong hindi man lang kinausap. Actually hindi naman sobrang tagal. Siguro 2 months pero hindi pa 'rin siya acceptable kasi even his socials, wala talaga akong nakuha. Nakakainis siya.


"Oh who are you again? Sorry. May short term memory kasi ako." Kunwaring malungkot na sabi ko na ikinamaang niya. Napabuntong hininga ako at naglakad na paalis. Bahala siya.


May pinoproblema pa nga ako tapos bigla siyang dumagdag. Bigla na naman tuloy naglabasan ang mga tanong ko kung bakit hindi siya nagparamdam sa akin ng 2 months. Nagtanong din ako sa family niya at ang sinabi nila ay hindi din daw nagsabi si Peter kung saan siya pumunta which is amusing talaga.


"Ano ba?" Inis na tanong ko nang harangan niya ang daraanan ko.


"Come on, Clo. Allow me to explain. Hmm?" Hinawakan niya pa ang kamay ko kaya tinanggal ko 'yun at tiningnan siya ng masama. Medyo maaga pa naman ako kaya kakausapin ko muna ang isang 'to.


"Anong paliwanag naman ang sasabihin mo? Hindi normal sa magkaibigan ang pagkawala ng isa ng 2 months without the others knowing. Nakakatawa ka 'no?"


"Hey, I'm sorry."


"Sorry? Back off."


"Hey! I'll treat you to a coffee and then I'll explain. What do you think?"


"I told you, hindi ko nga kailangan ng explana——" sinamaan ko agad siya ng tingin nang akbayan niya ako at bahagya pang ginulo ang buhok ko.


"Let's go."


Siya ang umorder ng pagkain. Mabuti na nga lang at kape 'yun at bread kasi nawalan talaga ako ng gana mag-agahan kanina. Mababaw man pero ito kasi ang unang beses na naging ganito si Kuya sa akin kaya naba-bother talaga ako.


Hindi kasi talaga siya maayos sa pakiramdam. I mean, si Kuya na 'yung naging kasama ko throughout my life tapos bigla niya akong hindi kakausapin.


"Hey, here's your coffee." Nakangiting sabi ni Peter sa akin.


"As if maaayos ng kape na 'to 'yung inis ko sayo." Bulong ko sa sarili ko na halata namang narinig niya kasi napatigil siya sa ginagawa niya. Nakakainis naman kasi talaga. Literal na nakakainis kasi siya 'yung palagi kong kasama sa korea.


Kapag sinabi kong palagi, literal na araw araw talaga kasi pareho kami ng profession. He is a Captain Pilot at sabay talaga kaming nagtapos sa isang University sa Seoul. Siya 'yung kasama ko sa tuwing frustrated ako kasi bagsak ako sa mga quizzes and siya din ang kasama ko sa mga party kasama ang mga kaibigan namin.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon