Chapter 22

1.1K 35 5
                                    

Her POV


Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa naglalakad papaalis na si Andrei. Matapos niya kasing sabihin sa akin 'yun, ilang segundo lang siya naghintay bago bumuntong hininga at naglakad paalis. Hindi ko alam kung para saan 'yun. Wala naman akong sinabi na kahit ano.


Hindi ko pa 'rin makalimutan 'yung paraan ng pagtingin niya habang sinasabi niya sa akin ang mga salitang 'yun. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. May parte kasi sa akin na gustong maniwala dahil nasaksihan ko naman kung paano siya maging mabait sa akin kaso may parte din na hindi dapat ako maniwala dahil baka sinabi niya lang 'yun dahil nandito si Kenn. Hindi ba't everytime na magkasama sila, parang kailangan nilang magpataasan sa isa't-isa.


Ayokong maging parte ng laro nilang 'yun.


"Ano? Bakit ang tahimik mo??"


"Ha?" Nakalimutan kong nandito nga pala sa harapan ko si Kenn na nakakunot na ang noo ngayon habang nakatingin sa akin. 'May sinasabi ka ba?"


"Ang sabi ko kung bumilis ba ang tibok ng puso mo ng sabihin niya ang mga bagay na 'yun sa harapan mo? Natuwa ka ba??" Hindi ko siya maintindihan bigla.


"Ano bang gusto mong ipoint-out ha? Naguguluhan ako sayo." Totoo naman kasi. Ano bang klaseng mga tanong 'yung mga sinasabi niya.

"Tss."


"Ano nga?"


"Gusto mo na ba siya dahil sa sinabi niya?"


"Anong kalokohan na naman ang nasa isip mo?" Hindi ako makapaniwala sa isang 'to. "Ano bang ginagawa mo dito? Anong oras na."


"Hindi ba't sayo ko dapat itinatanong 'yan? Babae ka hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras. What are you doing here?"


"Nagpapahangin?"


"Nagpapahangin kasama si Timothy???"



"Hindi, okay? Nung pumunta ako dito, walang tao. Ano bang problema mo?" Hindi nalang kasi niya diretsuhin. Ang dami pang sinasabi.


"I don't get it, Kyla."


"Alin?"


"Inaasahan ko na matutuwa ka kapag nakita mo kong nandito kaso parang kabaliktaran pa nun ang naramdaman ko. Ipinakita mo pa mismo sa harapan ko kung paano kayo nagkakasundo ni Timothy sa mga bagay na hindi man lang natin mapag-usapan." Napabuntong hininga siya samantalang ako naman ay lihim ng napapangiti. "Umamin ka nga sa akin, kinikilig ka sa mga sinabi ni Timothy 'no? Sabihin mo lang sa akin kung——"


Ramdam ko ang pagtigil niya nang yakapin ko siya ng mahigpit. Hindi ko 'rin alam kung bakit ko siya niyakap. Basta 'yun 'yung naisip kong gusto kong gawin sa mga oras na 'to. Hindi na 'rin naman siya nagreklamo dahil naramdaman ko nalang ang mga braso niya na yumakap sa akin pabalik.


"Pero kakalma naman ako if ever." Natawa agad ako nang mahina niyang sabihin 'yan. Para siyang tanga.


Naalala ko na naman 'yung nangyari kay Andrei. Hindi ko talaga makalimutan. Kung hindi siguro dumating si Kenn, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Andrei. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin sa kaniya or wala.


Pero sa tingin ko kailangan niya 'rin ng sagot. Everyone needs an answer. Nakakabaliw kung hindi mabibigay sayo ang sagot na matagal mo ng gustong makuha.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon